Friday, 14 March 2014

Ang nalalapit na pagkabulok ng genus Homo ng masang Pilipino


Imoralidad, kawalang disiplina, kamangmangan… Lumalala sa paglipas ng
panahon, impluwensya nga ba ng ano? Media? Ibang kultura? Nalalapit na nga ba ang
pagkabulok ng genus homo ng masang Pilipino?
Media Manipulation
TV, isa sa mga bagay sa mundo na kahit sino meron, kahit sino may access.
Sino na nga lang ba ang hindi nakakakilala kina Vice Ganda, Vic Sotto at Willie Revillame
na namamayagpag sa mga telebisyon ng masang Pilipino tuwing tanghaling
tapat? Sino na lang ang hindi pa tumawa, humalakhak at napahagalpak sa tuwing
may mga biro silang sasambitin? Marahil, may mga mangilan-ngilan pa ring
seryoso sa buhay na kahit manood ng TV ay isinantabi na, o di kaya’y ang mga tao
na napag-tanto na ang kawalang saysay ng panonood ng TV. Pero aminin man natin o
hindi, isa ang telebisyon, ang media sa mga may pinakamalaking impluwensya sa buhay
natin. Mapa-anong edad ka man o kasarian, siguradong kahit papano’y may ambag
na sa katauhan mo ang media. Sa papanong paraan nga ba tayo
..naapektuh
a n
nito?
Una,
a n g
bokabularyo
at paraan
natin ng pagsasalita.
Sino na nga lang b a
ang matino mong nakakausap simula
nang sumikat ang mga pambabara ni
Vice Ganda sa TV? Ang malala pa’y nagiging
trend na sa pang-araw-araw na
usapan ng mga Pilipino ang panlalait na
inaakala’y nakakapagbigay saya. Pangalawa,
ay ang mga paniniwala natin
tungkol sa mga nangyayari sa pulitika,
ekonomiya, at pambansang isyu,
lahat yan, nasasagap lamang natin sa
TV, radyo o minsan ay sa dyaryo na
kadalasa’y manipulado rin naman ng
mga matataas na opisyal ng gobyerno.
Panghuli ay ang pamumuhay natin
na pilit iginagaya sa mga artista, mga
simbolo ng elitismo at kapangyarihan.
Western influence at K. , J. at iba
pang pop addiction
Oo, walang masama sa paghanga.
Pero sabi nga nila, lahat ng
sobra ay masama.
Totoo din namang may maganda silang
dulot. Nagkakaroon tayo ng inspirasyon
at mga modelong gusto nating
gayahin. Pero kasabay din nito, aminin
man natin o hindi ay ang pagyakap
natin sa kultura nila na
siya namang pagbitiw natin sa
kulturang Pilipino na ating kinagisnan.
Dapat nating isaisip na ang
paghanga sa kanila ay hindi
isang dahilan para maging
photocopy nila tayo. May
sarili tayong identity na
dapat I-preserba.
Ang paglamon sa
atin ng teknolohiya
IPad dito, Laptop doon.
Cellphone dito, MP3 player doon.
Pag wala kang mga gadgets, wala ka.
Laos. Out of style. Mahirap. Ginagawang
status symbol ang pagkakaroon
ng mga materyal na bagay. Hindi ba’t
napakabrutal kung iisipin na nilalamon
na tayo ng modernisasyong
ito? Tama at may naitutulong ito sa
atin, bukod sa komunikasyon ay marami
pang iba.
Ngunit kung atin lamang hihimayhimayin
ang mga pangyayari, ito rin
ang sanhi kung bakit lagpak ang actual
social life ng mga Pilipino, tipong imbes
na makipag-kwentuhan ka sa mga
kaibigan mo ng personal, ite-text mo
nalang o di kaya icha-chat mo na lang
sila. Siya ring sanhi ng obesity
sa napakaraming kabataan na mas
pinipiling umupo at tumunganga sa
harap ng
computer keysa magpa
pawis sa labas.
Isang
perpektong palabas na nagsasalarawan
ng unti-unting pagbaba ng kalidad
ng mga tao ay ang IDIOCRACY,
isang dark comedy film na inilabas
noong 2006.
Isinasalarawan dito ang kalagayan ng
mga tao sa mundo makalipas ang 500
na taon.
Ipinakita dito ang laganap na pagkahumaling
ng mga tao sa makamundong
mga bagay na siya ring naghudyat ng
pagkamatay ng mundong kanilang tinitirahan.
Ang sobrang pagdepende
nila sa teknolohiya ay nagresulta sa
pagbaba ng kakayahang m a g -
isip ng mga tao.

Annie Abonita

No comments:

Post a Comment