Friday, 17 August 2012

SUPERMEGAHYPER


Ang perpektong salita na magsasalarawan sa sitwasyon ko habang sinusulat ko itong column ko. Supermegahyper lamig ng aircon, supermegahyper nakakabingi ang katahimikan ng kwartong walang ibang lamang nilalang kundi ako, supermegahyper boring, at supermegahyper namimiss ang sariling bahay. Bigla ko tuloy naisip ang kanta ni Chris Allen na may lyrics na “You’ll never know a good thing till it’s gone”, well, hindi naman literal na may nawala, may kulang lang, kumbaga sa pag-aaral, di mo lang nagawa ang isang assignment mo.

Ang totoo di ko alam kung ano ang patutunguhan ng column ko ngayon. Ang alam ko lang ay gusto ko nang umuwi.  Manood ng eat bulaga, tumawa ng malakas sa mga banat ni Jose Manalo (na bentang benta sakin), tumambay sa labas ng bahay habang hinahanapan ng garapata ang aso naming mukhang basahan ang balahibo, mainis kay Willie Revillame tuwing gabi habang nagpapakitang tao siya sa harap ng camera at binabastos ang mga dancer at co-host niya, makinig ng balita tungkol sa oil price hike, rally, holdapan, kidnapan, carnapan, pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas, murder, homicide, ang walang kamatayang  lovelife at trust rating ng presidente nating kilala sa tawag na PNOY,panooring pumasok at lumabas si Arroyo sa ospital  at magising sa tahol ng mga aso sa tapat, gilid at likod ng bahay namin.

Wala pa rin talagang tatalo sa Alaska ay este sa usok ng mga jeep at tricycle, sa sikip ng ilan sa mga lugar sa Pilipinas, at sa mga bubble gum na natatapakan mo kapag naglalakad ka sa kalsada.


It’s more fun in the Philippines! Yan ang laging banat ko sa sarili ko kapag nag-iisa ako. (corny pero masaya!)


Minsan talaga, di mo makikita ang halaga ng isang bagay hanggat di pa panandalian o permanenteng  nawawala sayo, parang lovelife, binreak mo yung ka relasyon mo dahil may nakita kang bago, pero maiisip mo bigla na better siya kaysa sa ipinalit mo, (uy nakakarelate! )  Parang pag-aaral, isinasawalangbahala mo ang assignments kasi ang akala mo konting percent lang ang hatid nun sa grade mo, pero sa bigayan ng classcards, makikita mo, bagsak ka pala, dahil di ka nagawa ng assignment, (uy! Nakakarelate nanaman!)

Ang mahalaga talaga sa buhay natin dito sa mundong ibabaw ay ang pahalagahan ang mga bagay na meron ka at ang mga taong nakapaligid sa iyo. Bago ko tapusin ang weird metaphors column kong ito ay nais kong  iwan ang mga katagang, It’s more fun in the Philippines!
 

tula-tulaan


Alimuom
Amoy ng ewan

Nanggaling kung saan

Bansa natin ganito

Ano ‘to Pinoy henyo?

Hindi, pero di tayo bobo.

Ano ba yung bobo?

Ewan ko

Di mo alam kung ano

pero alam mo kung paano

Pinoy henyo nanaman ba ‘to?

O niloloko mo lang ako?

Mabaho parang durian

Masarap parang…

Teka, di ko na alam

Ah, eto bago!

Pahiyain mo ko sa TV

Kasama si Willy

Makinig tayo sa lovelife ni ano

Habang nakapangalumbaba siya sa palasyo

Ang baho niya, parang hindi natuyo

Alimuom lang yan!


Dead bayan
Naghihingalo na ang bayan
Tila napabayaan
Di ako nasyonalista
Di rin propagandista
50-50 na ang kalagayan
Hinahanap ang kalayaan
Presyo pa lang ng utang
Pamatay na at parang lutang
Kumabaga sa ulo
Ika’y kalbo
Kulang sa gamit
Kulang sa damit
Ilang minuto na lang
Ika’y mawiwindang
Bayan mong kinatatayuan
Di mo na masisilayan
Ilang oras pa
Ito’y patay na
Dead bayan
Kawawa naman
Di na nakalaban
Wala pang pangalan



ANO NGAYON 
Nakakabulag ang kamanhiran
Nakakbingi ang kasinungalingan
Nakakapipi ang kahirapan
Nakakapilay ang kasakiman
Nakakamangmang ang panloloko
Nkakamatay ang nangyayari




Wala  na…
Kahapon siya
Ngayon ikaw
Bukas ako
                        Sinong may alam?
                        Ako,Ikaw,
Sila,SIYA?
Paano bukas
Sa makalawa
Sa susunod ?
                        Ako na nga kaya?
Paano ko malalaman?
Dapat maging hanada
Di  ako dapat mabigla.

Mga saloobin na kailangang ilabas, pag pinigilan, nagiging masamang hangin.


Marunong akong sumulat kahit COLLEGE STUDENT LANG AKO kasi may sarili akong utak, kahit kailan di ko sinubukang magnakaw ng katha ng iba kahit ESTUDYANTE PA LANG AKO, kahit siguro maging SENADOR AKO NGA PILIPINAS, di ko kailanmang gagawin ang MAGNAKAW ng INTELLECTUAL PROPERTY NG IBA at humagulgol sa senado, para lang makuha ang simpatya ng mga mamamayan at makumbinsi silang kumampi sa akin upang di maipasa ang isang bill na matagal nang nakabin-bin. Isa yan sa mga dahilan kung bakit dapat magkaroon ng barrier ang showbiz people sa pulitika.

Hindi dapat minamaliit ang bloggers at sabihing di mo siya iaacknowledge dahil blogger lang siya, tao siya, kung tutuusin yung blogger pa nga ang mas matalino kaysa saiyo na nangopya lang, na hindi na nahiya dahil senador pa naman. HANUBANAMAN ang nangyayari sa Pilipinas, sa mga tao, next time, pumili ng tamang tao para umupo sa senado.ITO AY DI PANGHUHUSGA< KUNDI PAMUMUNA LAMANG SA MGA KAMALIAN. 
____________________________________________________________________________________________________________

dipping around with the issue.. why not take your time and improve your life.
-sabi sakin ng isang taong itago natin sa pangalang, madam kontra..
well. this is a free country you can do what you want! hahaha masaya kaya makisawsaw sa issue ng bansa at mag feeling na involve ka sa mga nangyayri sa paligid mo.. sa tingin nyo ba may magagawa ang bawat singhal at sigaw ko sa TV, so why not go on with your own life, do what you want and i'll do whatever i like.

_________________________________________________________________________________

Porke ba hindi ko sinosoportahan si Jessica Sanchez, di ako fan ni Charice Pempengco at ayaw ko kay Manny Pacquiao, may crab mentality na agad ako? Di ba pwedeng busy lang ako para intindihin ko pa sila? (and besides, para lang sa dagdag na kaalaman, eh kaya lang naman naghihilahan ang mga alimango o alimasag eh para makaakyat ang lahat at makalipat sa ibang lugar, nagtutulungan sila, hindi naglalamangan o nagaaway para ibagsak ang isang nakaka-angat) Yun lang.
_________________________________________________________________________________

Wala nang mas titindi pa sa pagka-lantad ng mga tao ngayon, landian sa TV na di pa ginawang SPG ang MTRCB advisory, kahit na sabihin nating may tinatawag silang "kuya" sa loob ng bahay, hindi nangangahulugan yun na malaya na silang mag chuk-chakchenes at lantarang maglambutsingan sa harap ng hidden camera na alam din naman nila kung saan nakalagay. Sabagay, masarap talagang manood ng mga batang nagkakamot ng pwet at umiiyak dahil nominated sa pagkatanggal ang ka "malaswang ugnayan" (M.U.) nila... 

_________________________________________________________________________________

Nanood ngapala ako ng balita kanina, walanjong yan! nagwalk out si CJ este, nag may i go out pala dahil masama ang pakiramdam. Nganaman, sinong hindi sasama ang pakiramdam, eh mahigit kalahating oras ka ba namang magstory telling sa harap ng mga propesyonal na manananggol. nandun pa si kumareng Miriam Santiago na malayong kamag-anak ng karambulan ni Mon Tulfo sa NAiA.
At may isa pang laman ng balita, SI LADY GAGITA! i mean lady gaga, mother monster, ang tiatawag nilang card holder ng kung ano mang lupalop na hindi abot ng pag-iisip ko. sa palagay ko naman eh, makakatulong siya sa pilipinas, at sa pagpapayaman ng pasay city, dahil ilang pursyento ng kikitain ay ibibigay sa pasay city government. well, no comment na lang ako jan!
_________________________________________________________________________________