it's the cold breeze
the hot coffee
the warm humid...
the touch of drizzle into my skin
the sound of its drops pouring from the clouds
the glitter that sets my eyes to sleep...
The only place where the voices in my head and me reunite and come together in an almost perfect harmony.
Friday, 25 April 2014
Kamatayan
Kasing
gasgas ng kahirapan, pag ibig, korap na pulitiko, at amnesia sa telenovela.
Bakit
ko ba naiisip ang kamatayan?
Napaka
simpleng salita sa napaka simpleng katha.
Marami
akong nababalitaang namamatay. Mga kakilala. Dalawa. Isang namatay sa aksidente,
o kapabayaan, at isang namatay sa sakit. Mahirap mamatay, siguro… di ko pa
naman nararanasan. At kapag naranasan ko siguro, huli na ang lahat para maisalaysay
ko sainyo kung anong pakiramdam.
Pero
bakit ngaba takot sa kamatayan ang mga tao? Ang una kong naisip, marahil meron
pa silang di nagagawa. Sa sarili ko, yun ang dahilan ko kung bakit ayoko pang
mamatay. Ayokong mawala sa mundo nang hindi ko pa nagagawa ang mga gusto kong
gawin, nang hindi ko pa nasasabi ang mga gusto kong sabihin, nang hindi ko pa
naipaparamdam sa mundo ang presensya ko bilang tao.
Everything
happens for a reason, sabi nila. Pati kamatayan, may dahilan.
Alam kong totoo yun.
Alam
kong may basehan.
Pero
di ito tanggap ng karamihan.
Bakit?
Hindi ko alam.
Siguro dahil nga may kanya-kanya
rin tayong dahilan para mabuhay at para iwasang mawala sa mundong ito, na kahit
puno ng kamunduhan ay natutunan na nating mahalin, eto lang naman ang meron
tayo.
Wala nang iba.
As if we have any choice.
Iba’t
iba ang dahilan natin para may mabuhay. Ibat iba rin ang dahilan o paraan kung
paano tayo mamamatay, katulad ng DNA composition, fingerprint, at zebra
stripes.
Hindi
ko maisip ng lubusan kung anong kahihinatnan ko kapag ako naman ang nawala sa
mundo ng ganito kaaga. Una dahil hindi ko pa nagagawa ang mga gusto kong gawin,
marami pa kong di nasasabi sa mga taong mahahalaga sakin. Ni hindi ko pa nga
nagagawang makipag sex o pumatay ng tao. Pangalawa, dahil gusto ko pang
magbago, ayokong mamatay sa ganitong estado ng ideyolohiya, ganitong estado ng
pamumuhay, ganitong estado ng pag iisip, ni walang pinaniniwalaang katotohanan,
kung may katotohanan man o kung magkakaroon man ng katotohanan ang mundong to’.
Pangatlo, marami pa akong hindi naiintindihan, marami pa akong hindi alam…gusto
ko pang matuto.
Gusto
ko pang maranasan ang maraming bagay. Umakyat ng bundok, mag-alaga ng penguin, makipag
rally, magtayo ng bahay,mag aral ng gusto kong aralin, makakita ng aurora, pumunta
sa Greece, Italy, Spain, London, France, Germany, at Switzerland, tumayo sa
lugar na walang gravity, kumain ng ampalaya ng hindi pinipilit, makapang asawa,
magkaanak, bumuo ng pamilya, makitang magka anak ang (mga) anak ko, magkape
kasama ang asawa ko sa balkunahe ng bahay naming kapag 60 years old na kami (di
na ko nangangarap ng mahabang buhay, basta nagawa ko ang mga dapat kong gawin,
at alam ko din namang maikli lang ang life span ng mga tao ngayon dahil sa
pollution).
Kung
bukas man, mamaya, ngayon o sa makalawa ako mawawala.
Marami akong magiging hinanakit. Na malamang di ko na rin naman mararamdaman at maiisip kasi nga patay na ko.
Marami akong magiging hinanakit. Na malamang di ko na rin naman mararamdaman at maiisip kasi nga patay na ko.
Alam
ko ang kahalagahan ng buhay, sadyang di ko lang alam kung paano gamitin ng
tama, kung paano I-maximize ang gamit. Sabagay,
wala naman talagang gamit o bagay na nama-maximize ang use.
Dapat
lang sigurong alamin ang tamang gawin, sa tamang oras. Nang sa ganun di ka
magsisi kung sakaling makalimutan mong huminga.
Takot
pa rin akong mamatay.
Takot na takot.
Ayokong
maiwan.
Ayokong
maiwanan.
Subscribe to:
Comments (Atom)