Naranasan mo na bang mainggit, yung naiinggit ka kasi yung ibang tao, gusto ang ginagawa nila sa buhay, enjoy kasi yun ang passion nila, enjoy kasi wala silang nakikitang mali.. ?
Ako oo, ganun... ngayon mismo habang tinatype ko to.
Malungkot dahil di ko na gusto ang kinapupuntahan ng karera ko sa buhay. Di na masaya kasi walang fulfillment, haluan mo pa ng mga maling nangyayari sa lipunan. Nagpatong-patong na parang overload na sandwich sa mga fastfood chain.
Sa totoo lang, ayoko naman talaga ng course ko, I mean, ng major ko, nung una, gusto ko talaga siya, kaso habang tumatagal nasisira yung magandang pagtingin ko sa subject dahil sa mga bagay na di ko maipaliwanag, requirements na di naman kailangan pero pinapagawa.. mga subject na feeling major.. masakit sa ulo, kaya eto ako ngayon, tulala sa harap ng monitor ng computer, naguguluhan sa mga iniisip.
Finals na naman, tapos sembreak, tapos enrollment, naiisip kong nagsasayang lang ako ng pera kasi di ko naman gusto ang ginagawa ko, wala dito ang puso ko.
Ang hirap pala pag napipilitan ka lang...
Nakaka- inggit talaga yung iba..
Kahit masama mainggit, eh ano magagawa ko? eh sa yun ang nararamdaman ko eh.