Thursday, 10 January 2013

Barado

A poem for washing dishes

mahinagpis kong tinanggal
ang masikip na pagkakasuk-sok
liwanag na ayaw iwanan
bughaw na sulat
tila gustong manlaban

mga sigaw, mga singhal
sinabi ko sandali
pero di mapigil

nakakapang-init
sintaas ng talbog ng beinchinko!
nakakawindang

may mga mahinhin
may mga tigasin
di ako magpipigil
sasagarin ko
matapos lang agad

sinubo,niluwa,sinuka
nakakadiri
basa, tuyo, samo't sari
maliit, malaki, mataba, payat, maraming pagpipilian

hinarap ko't nanindigan
mga mumunting pasakit
mula sa malayong bukid

sa proseso ako'y naligayahan
ang pag-iinit, napalitan ng lamig
malagkit, kumakapit, madikit

ayaw sa una
tutuluy-tuloyin din pala
padagdag ng padagdag ang aking suki
hanggat sa sumikip
nabigl;a ako sa pagdumog
katawan at kamay,pagal

lumabas na sa wakas
kay tagal pinagtiyagaan
ngunit natapon! nasayang.

walang tigil ang daloy
ng likidong kristal
tuluyan na akong nilamon
nanlumo

hinintay nang bumara
mga sinubo,niluwa, sinuka
hanggat sa bumaha
at bumaha
at bumaha

malalim
mula pusod
hanggang ilalim ng dib-dib

saka tumawag ng tubero