Monday, 29 July 2013

signal no. 6

Oo, lahat tayo may kanya-kanyang edge...
Mga "kagalingan" sa buhay, tipong expertise ba!?
Pero sabi nga nila, no one is perfect. (sa mundong ibabaw ah!)

Pwera sa isang taong kilala ko.
Siya ang epitome ng yabang, hangin at kalakihan ng ulo.
Yung para bang kada salita mo ay isang malaking "wala ka sa lolo ko joke" ng eatbulaga, yun nga lang eh, different version ang sakanya at di ang lolo o lola niya ang iniyayabang kundi ang sarili niya, "buhat bangko" for short!

Sa tanda  kong ito, ineexpect ko na kakayanin ko ang iba't ibang klase ng kanyang pagpapagakpak- patakilya, well i guess mali ako. dahil i've been blown away by signol no. 6... signal no 6 ng kayabangan.

Kung sa bawat hangin niya sa katawan ay meron akong matatanggap na 100 piso, bilyonarya na ko by now.

Ok lang sana kung iba yung profession niya, pero hindi, isa siyang Guro, graduate kuno ng isang primyadong unibersidad na specialization ang education courses, hay.. nakakalungkot isipin na ganun ang isa sa mga produkto nila.

Sana man lang before midterms ay makalsap ako ng isang matinong lecture mula sakanya.