- elements of a Filipino “palabas” that never fades
Narito ang ilan sa mga elemento ng
pelikula at telibisyong Pilipino na hin-ding-hindi nawawala, mag-sawa ka man,
wala tayong magagawa, dahil parte na ito ng ating kultura, kumbaga sa isda, ito
ay hasang.
GOONS
Minsan ba naitanong mo na kung bakit laging galit ang mga goons? Kung
bakit lagi silang nakasimangot, namamaril, nambubugbog, at pumapatay ng tao?
Pwes isa lang ang sagot ko dyan, Ikaw ba naman ang pasuotin ng leather jacket,
maong na chaleko, pantalon, sombrero at black shoes sa katirikan ng init ng
araw, di ka kaya magalit? At eto pa, di rin sila sumusugod ng sabay-sabay, ang
dahilan kung bakit lagi silang talo sa mga fight scenes.
BATYA, DRUM, TIMBA
Sa kahit anong palabas, mapa-komedya, aksyon, drama, o katatakutan,
di mawawala ang tatlong yan. Sa comedy laging naitataklob ang mga bagay na yan
sa ulo ng mga actor, pandag-dag eksena lang. Sa drama, syempre, dito laging
inilulub-lob ang mukha ng mga bida, lulunurin kunyari at saka aapihin. Sa
aksyon naman, ang mga bagay nay an ang hudyat na magsisimula na ang rumble,
madalas itong sinisipa, (kawawang drum, timba at batya). Dumako naman tayo sa
mga pelikula at palabas na katatakutan, ang drum ang siyang madalas na bida sa mga
horror movies na ito, kadalasan may mga multo at kung anu-ano pang ele-mento
ang nananakot at lumalbas dyan.
WAREHOUSE, BODEGA, BAKANTENG
LOTE, ABANDUNADONG BAHAY
Ang mga lugar na ito ang nagiging setting
para sa klaymaks, dito nangyayari ang mga barilan o takutan. Ang mga mga
warehouses na ginaganapan ng mga labanan ay kadalasang may mga crates, kahon o
di kaya mga malalaking bagay na pwedeng pagtaguan ng mga nag-babarilan. Ito ang
lugar kung saan laging may engkwentro, madalas din na ditto natatapos ang
palabas, kakaway ang bida o di kaya ay ngingiti sa kamera.
HIGANTIHAN AT MGA KERIDA
Ang mga tauhang ito ay madalas sa mga aksyon na palabas, yung tipong
maghihiganti ang bida, dahil pinatay ang kung sinong miyembro ng pamilya niya,
girlfriend o asawa, o di kaya ay kaibigan.
Ang kerida naman ay sa mga drama mo makikita, ang mga palabas kung
saan halos 1/3 ay puro iyakan, sampalan, sumpaan, sabunutan, agawan ng asawa,
anak, pusa, bahay, lupa, kotse at kung anu-ano pa. Mas patok pa sa masa kapag
mamamatay ang kerida dahil magkakaroon “Return of the Comeback” ang
bidang inapi.
KRIMEN
Present lagi ang krimen sa
halos lahat ng napapanuod ninyo. Kidnapan, carnapan,
holdapan, smuggling, illegal logging, graft and corruption, murder, homicide, massacre,
snatching at kung anu-ano pa, name it! At lahat ng mga yan, meron ang pinoy
palabas.
LATE NA PULIS
Eto naman ay sa ending lang nakikita, yung darating ang pulis pag
tapos na lahat ng akson, natalo na ang mga kalaban, nailigtas na ang nadukot na
leadning lady ng bida o kaya ang kanyang anak, nakapagkissing scene na ang
magka-love team, at nakahandusay na ang mga galit at pawisang goons kasama ang
kanilang bossing.
SIDEKICK
Sila ang mga taong “Moral Support”, mga bestfriend, kapatid,
pinsan, kapitbahay o ka-trabaho ng bida na support lang ng support. Lagi silang
may bright idea, minsan namamatay pero ka-dalasan buhay hanggang dulo at
nagbibigay ng punch line bago i-roll up ang cast at crew ng pelikula.
MAGANDANG LEADING LADY
Ang mga babaeng, sobrang ganda, kaya pinagmumulan ng away o kaya
ng mga krimen. Yun lang ang ganap nila, pandagdag palamuti at hatak sa mga
manonood.
AMNESIA
Aksidente sa kotse, nabagog, muntik nang mamatay, pinatay na nga
pero sumablay. Mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng amnesia ang mga tauhan sa
isang palabas, kadalasang dito umiikot ang kwento, ang pagtuklas sa totoong
katauhan ng bidang may amnesia na kinupkop ng ka-love team niya.
MAYAMAN AT MAHIRAP
Mala-Romeo and Juliet na tema ang paksa ng mga peliku-la’t palabas
sa telebisyon. You and me against the world ang drama dahil mahirap ang isa at
mayaman ang isa.yung tipong tutol ang pamilya ng mayamang babae/lalaki dun sa
napupusuan ng kanilang anak na mahirap. Pero sa huli nagkakatuluyan pa rin naman sila. Lagi yun.
MAGANDA
AT GWAPONG KONTRABIDA, THE BOSSES
Ang mga kontrabidang hindi nasususgatan, mayaya-man, at maraming
alipores na handang gumawa ng masasamang bagay para sa kanila.
BIDA
Ito ang mga pangunahing tauhan, mga taong minsan api,
naghihiganti, nagtatanggol, pero sa huli laging, “Alive And Kicking”.
May tatlong uri sila:
Martyr- mga inilulublob sa drum, nilulunod pero di gumaganti, mababait
sila at laging umiiyak, pero sa katapusan ng bawat palabas, sila ang
pinamamanahan, yumayaman, at nagtatagumpay.
Imortal- ang mga bida ng mga action movies, sila ay mata-tapang,
namamaril pero mabait daw sila at pinagtatanggol nila ang hustisya.
Mala-superhero ang dating at di sila namamatay, ang tanging bida lang naman na
namamatay ay si Goku ng Dragon Ball.
Clown-
patok sa masa, kumikita sa takilya, sila ay mga bidang
nagpapatawa, may mga sidekick na sinasaktan nila maya’t maya, at may magandang
leading lady kahit di naman sila ga-nun ka-gwapo.
Yan ay ilan lamang sa
madalas na laman ng mga pam-pilipinong palabas, marahil sawa na ang iba pero
aminin natin, di pa rin kumukupas ang mga yan, dahil di kumpleto ang istorya
kapag wala ang kahit alin sa mga nabanggit. Nakasanayan na’t malamang ay di na
mawawala pa. Anu’t ano pa man, tatak Pinoy pa rin!