Monday, 29 April 2013

senatoriaPOLLS

Seventeen year old point of view.

Samson Alcantara

- isa sa mga kandidatong kahit anino ay di ko pa nakita, kahit boses ay di ko pa narinig o kahit man lang poster ay di ko pa nasilayan. Hindi kilala. Most probably hindi siya mananalo dahil sa kakulangan ng popularity, at unknown ang platforms niya, well siguro nasa debates siya sa TV at di ko lang nakita.

Juan Edgardo Angara
- anak ng pulitiko. TRAPO, siguro. Isa sa mga kandidatong di ko iboboto kung ako ay nakakaboto na. Bakit? dahil di ako convinced na makakapagbigay siya ng pagbabago sa bayan ni Juan.

Bam Aquino
- living by the name. Nagtatago sa anino ng angkan niya. Malamang sa malamang, mananalo dahil sa apelyido, at dahil sandamakmak ang political ads at illegal posters niya. Wala pang napapatunayan bukod sa lehitimo niyang pagka- Aquino. (Nagsuot ng salamin katulad kay Ninoy para tumatak sa masa.) Fuck your political antics!

Greco Belgica 
- nakita ko na siya. Kilala ko na rin siya at alam ko na ang plataporma niya. I mean narinig ko na ang plataporma niyang flat tax pero naintindihan ko ba? Hindi. Naintindihan ba ng masang Pilipino? Hindi. may posibilidad na manalo kung majority ng botante sa Pilipinas ay babae.

Nancy Binay
- hindi ko alam kung bakit naisipan niyang tumakbo sa Senado. Wala pang napapatunayan bukod din sa pagiging lehitimong anak ni Jejomar Binay at kapatid ni Jun-jun Binay. Swak siya sa palabas na Ina, Kapatid, Anak. "Nanay de pamilya" daw siya, kapatid siya ni Junjun (mayor ng Makati), at anak naman ni Jejomar (VP ng Pilipinas) watta political dynasty!

Teodoro Casiño
- magha-high school  pa lang ako kilala ko na siya. Napaka tunog ng pangalan niya sa mundo ng Journalism. Iboboto ko siya kung nakakaboto na ko. Yun lang.

Alan Peter Cayetano
- so si Alan. Presyo, Trabaho, Kita. Maya't maya kong napapanood sa TV ang Ads niya, nakakaburyong din parang si hanep buhay. Pero may napatunayan na di tulad ng ibang kandidato. Di ko lang alam kung tapos na ang clash nila ni Enrile. Anak ng bonus nganaman yan! UTANG NA LOOB!

Tingting Cojuangco 
- isa sa mga kandidatong masasabi kong maaga mandaya. Di pa man campaign period ay may commercials na parang si misis hanep buhay. Kung sa simpleng patakaran sa pagsunod sa tamang date kung kailan dapat magpalabas ng political ads ay di na makasunod, paano na lang kung nasa posisyon na siya? Hanggang ngayon din ay nag-tataka pa rin ako kung kaanu-ano siya ni Heart Evangelista. Kamag anak din siya ni Noynoy, Fuck Political Dynasty!

Rizalito David
- Another unknown specie.

John Carlos delos Reyes
- Ang tanging Political background lang niya ay ang pagiging councilor ng Olongapo. Nothing to say about him except na malamang ay di siya manalo.

JV Ejercito
- anak ni ERAP! Dahil sa endorser niyang si Sam Pinto na kumakanta to the tune of "Call me maybe", malamang mananalo siya. Isa siyang Ama, Kapatid, Anak. Tatay ng mga anak niya, kapatid ni Jingoy (senator) sa labas, at anak ng former president nating si Joseph Estrada. Lintik na Political dynasty na naman.! Di ko siya iboboto, at kung taga Maynila lang ako, di ko rin iboboto ang tatay niya as Mayor. Mga gutom sa kapangyarihan. EWAN!

Jack Enrile
- Anak ni "Gusto ko happy ka!" Siya naman si "Pagkain, pagkain, pagkain, pagkain, pagkain" nakakarindi ang political ads niya, as if naman na kaya niyang makisalamuha sa mga manggagawang pinoy!? Masyadong TRAPO ang dating niya sakin, ni hindi nga siya pumupunta sa mga public debates  katulad ni nancy at JV, tipong walang isasagot ba! Umaasa sa Apelyido at sa panlilinlang na hatid ng SWS at Pulse Asia.

Francis Escudero
- say chiz! Boyfriend siya ni Heart, and it adds up to his popularity (publicity stunt). I admit, isa siya sa mga iniidolo ko when it comes to public speaking, but the rumors about him being apathetic about the present condition of his fellow Bicolanos irritates me. Mananalo siya because of a strong reputation that he already built. Iboboto ko siya if i can.

Baldomero Falcone
- never heard of him before.

Richard Gordon
- isang pulitikong gusto ko dahil taga red cross siya at kaya niyang tumulong. Nabigo na siya sa pagtakbo for the presidential sit against Pnoy but then he continued serving. Tingnan na nga lang natin ang Subic hindi ba?

Edward Hagedorn
- kamay na bakal daw. Iboboto siya ng nakatatandang kapatid ko so i guess he's worth the position. (batayan ko ang older sibling ko in this case) Di ko alam ang plataporma niya. Isa siyang dakilang "para-paraan" may advertise na even before the campaign period. panget sumagot sa mga debates but still much better than those who can't even attend or show up at a debate, diba Enrile, Binay at Estrada?

Gregorio Honasan
- Coup d'etat. Hindi ko naramdaman ang presensya niya sa senado mula 2007 hanggang 2013. Para siyang si trillanes para sakin, older version lang. Di ko alam kung anong gusto niyang patunayan, o siguro gusto lang niyang magpa-aircon sa senado, or whatever reason he has, pero kailangan pa ba talaga niyang maging senador?

Risa Hontiveros
- one of the RH law advocates. Maraming bumabatikos na religious group sakanya. marami na siyang napatunayan, and of all the female candidates isa siya ang karapatdapat maupo sa senado. Masyado ngalang siyang maraming illegal posters at overtime political ads. Medyo bad girl!

Loren Legarda
- silang dalawa ni Risa ang dapat seatmate sa senado. Sa tingin ko ang Pinoy hindi pa nagsasawa kay Loren at sa mga pangako niya. Wala akong ibang masasabi kay Loren bukod sa slightly ay Trapo siya (at nakakulong yata ang asawa niya).

Marwil Llasos
- kung sapat na ang pagiging SK chairman bilang experience para maging senador, i'll definitely run for an SK position right away.

Ernesto Maceda
- bakit ba may return of the come back ang mga pulitiko sa Pilipinas? hindi na nakuntento! Ang dudumi niyo!
Maceda is one good example, babalik nanaman sa Senado, walang kakuntentuhan. Another trapo. Di pa buhay ang nanay ko nasa pulitika ka na, ngayon babalik ka nanaman! oh come on!

Jamby Madrigal
- isa sa mga pulitikong simple ang paraaan. Camouflaged ang vote buying through gadgets, gamit ang social networking sites. Hay naku, Jajajajamby Madrigal anong problema mo?

Mitos Magsaysay
- Nakilala ko siya sa RH bill debate. Ginagamit ang apelyido ng asawa. Iboboto ko siya pampuno sa balota.

Ramon Magsaysay Jr. 
- kahit ineendorso siya ni Ser Chief, di ko pa rin siya iboboto. Maganda ang reputasyon ng tatay niya, wag na sana niyang sirain.

Ramon Montaño
- unknown specie.

Ricardo Penson
-  di ko na naman siya kilala. Pero there are pages on facebook na sinasabing he should be a senator.

Aquilino Pimintel III
- si Coco. Ang kapapasok pa lang sa senado. Nadaya. Nagbabalik. Maghihiganti. Isa nanamang anak ng pulitiko. Don't know much about him at di rin kontrobersyal ang buhay niya.

Grace Poe
- this candidate keeps on insisting the "tatak FPJ sa senado". Seriously?! anong nagawa ni FPJ sa pulitika? Umaasa sa anino ng tatay niya. Pero as far as i can remember, sa life story niya in one show, sinabi niya na ayaw niyang mabuhay as "anak ni FPJ" kundi as herself. Well, changes, changes everywhere. Pulitika nganaman!

Christian Señeres
- di ko na naman to kilala. di siya mananalo, Pamilya niya lang siguro ang boboto sakanya. (JOKE!!- half meant)

Antonio Trillanes IV
- bukod sa pakikipag away niya kay Enrile, ano ba ang pwede pa niyang gawin sa senado? Wala akong track record ng mga batas na naipasa na niya, pero maalala ko lang siya as rebelde. Mananalo siguro siya, nararamdaman ko.

Eddie Villanueva
- sabi sa article 2 section 6 ng 1987 philippine constitution, "The separation of church and state shall be inviolable". Wala naisip ko lang. I have nothing against him. Malabo ang pagkapanalo niya knowing that he has a party of his own. Kung sumapi siya sa Liberal party ni Pnoy, malamang mananalo siya, utos ng pangulo  yun eh.

Cynthia Villar
- i don't want her to win as much as i don't want Willie Revillame. Premature campaining, illegal posters, too much airtime. Winawasak ang mga kagubatan at ginagawang subdivision. Ginagawang bobo ang mga Pilipino. Nangangampanya na wala pa mang certificate of candidacy. Manong manatili na lang as housewife o business woman. there are many different ways to help the filipino people, why enter politics? para MAS yumaman?

Juan Miguel Zubiri
- ang pulitikong mautak, nagpabango muna ng pangalan bago tumakbo ulit for a senatorial seat. Trapo. Malamang marami siyang malinlang na pinoy at manalo this time dahil sa binuild-up niyang honest at martir na pilitician gawa ng pagre-resign niya. hay.

Maging matalino sa pagpili ng iboboto. Wag tayong magpapadala sa mga taong nagpapa-pagakpak patakilya lang. Mga taong gusto lang kamkamin ang pera ng bayan. Mga taong mas nagpapayaman lang. Mga taong galing sa political dynasty. Mga taong huwad. Piliin natin ang mga kandidatong may magagawa. Wag tayong maging bulag.

Ang pulitika sa Pilipinas ay parang gamit na medyas. Madumi, mabaho, pero pwede pang linisan, labahan para magamit ulit.

Paano nga ba tayo pipili ng tama kung walang tama? Paano tayo pipili ng lesser evil kung lahat pantay sa pagiging evil? 

Tiwala lang, may ilan sa mga kandidato ang makakapag-hatid ng reporma sa bayan.