ok lang..
ok lang po..
ge ge, ok lang...
Palagi na lang ganyan, paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit... nakakaburyong sa tenga, nakakarindi ng utak.
Pero hanggang saan nga ba ang hangganan ng pag sasabi ng OK LANG?
Nakapila ako noon sa isang fastfood chain, gutom, uhaw, pagod, mag-isa...
Biglang may babae sa likuran ko, sabi niya "miss nauna ako sayo.."
So eto ang lola mo, nag-give way.. kahit imbyernes na ko ng malala.
Sabi ko sa sarili ko, "Ok lang yan, isa lang naman ehh... "
Makalipas ang halos labinglimang minuto kong paghihintay (na sa pakiramdam ko ay halos 1 oras dala na rin marahil ng gutom ko), sa wakas umabot ako sa counter, umorder ako ng paborito kong pagkain, kaso sabi ng kahera, wala na daw.. umorder ulit ako ng isa pa ulit sa mga paborito kong pagkain, wala rin daw...
Tumalikod ako at lumipat sa ibang kainan... habang naglalakad sa malamig at naka-tiles na lugar ay inisip ko ulit na ok lang dahil kaya ko pa naman mag-tiis ng gutom dahil kasalanan ko din at choosy ako..
paglipat ko, nakakain na ko, SA WAKAS! Pero dala ko pa rin ang hinagpis dahil di ako nakakain ng gusto ko. Ok lang. OK PA RIN. Ilang oras din akong tumambay, tumanga at nag-masid sa mga nadaan... may mga nagkakabanggaan, may mga batang tumatakbo, may mga taong walang repleksyon, may mga babaeng kita ang kuyukot, may mga lalaking kung anu-ano ang tinitingnan, may mga weird ang damit ( checkered na top with stripes na pants) at higit sa lahat mga magjowabells na matindi ang display of affection at nagawa pang ipublic.. maraming mga tumatakbo sa isip ko noon pero napagpasyahan ko din naman umuwi at sa bahay na lang mag-muni-muni. dumaan muna ako sa Grocery para bumili ng mga dapat bilhin, sa pila para magbayad, nakiusap ang isang babae na mauna na siya dahil nagmamadali daw siya't konti lang naman daw ang babayaran niya, kaya pinauna ko siya as a sign ng pag-galang at pag-unawa sa sitwasyon niya, umatras ako, pero paglingon ko'y isang karitong may dalawang punong basket ang nakita ko. NAWINDANG ang payapa kong isip, may halong inis pero sabi ko OK LANG.
Sa sakayan ng jeep, boxoffice ang pila, ang haba ay parang buhok ni Rapunzel after 19 years, mainit, nanlalagkit na ko at binabaha ng matindi ang underarms ko... tinanong ko ang mga kundoktor kung matagal pa.. sabi nila oo daw, nang malapit na kong makasakay, may isang grupo ng maiingay na estudyanteng boom, sumingit ng bongga sa unahan ng pila,nakasakay pa sila agad. Nanlisik ang mata ko at parang gusto ko nang sumugod sa unahan.. pero nahiya ako dahil yung mga matatanda nga sa unahan ko'y di naman nagreklamo, at bakit ngaba di sila nagreklamo, sabi nila "OK LANG malapit na naman yung kasunod eh" ... napa-WOW na lang ako sa reaksyon nila, as in wow na wow, na parang tanginamesh! mga tanga ba kayo?
Hanggang sa makasakay ako sa jeep ay galit pa rin ako, naiinis at di mapakali sa mga ka-tangahang nasaksihan ko nung araw na yun... pakiramdam ko, unti-unti nang nilalamon ng taba ang pag-iisip nila..
OK pa rin ba na kahit sa tagal ng ipinila mo'y sisingit ang iba?
E paano kung sa pilang yun nakasalalay ang buhay at pagkatao mo? ok pa rin ba sayo na sumingit sila?
Paano kung sa jeep palang yun ka nakatadhanang sumakay para makilala mo na ang taong makakasama mo habang buhay, ayos pa rin ba?
OK LANG ?
Hanggang saan ba talaga ang hangganan ng pagsasabi ng OK LANG?
Hanggang KAILAN mo kayang sabihin yan?