Saturday, 22 March 2014

sakanya

January 23,2014

Hindi ko alam kung paano sisimulan.

Hello.Hello para sa una nating pagkikita.
Kamusta ka na? anong ginagawa mo?Oo ikaw, ikaw na makakasama ko sa habangbuhay, ikaw na makikita kong natutulog sa tabi ko tuwing umaga. Kamakailan lang nabasa ko ang isang liham na na pumapatungkol sa kanyang asawa sa hinaharap. Ang sweet. Kaya naisip kong gumawa rin ng sulat saiyo. Saiyo na hindi ko pa siguro nakikilala.

Ako, eto mabuti... masaya dahil alam kong nandyan ka, at ikaw ang makakasama ko sa mga susunod pang bukas ng buhay ko. Oo, ang korny ng ganito, sulat sulat... pwede namang itext na lang o imessage sa FB o e-mail. Pero di ko pa kasi alam miski ang pangalan mo. Sana hindi letter "Z" ang simula ng apelyido mo, dahil ayoko namang mahuli sa roll call ng teacher ang magiging mga supling natin. Sana hindi ka mas mahinhin sa akin. Sana mabait ka. At sana kaya mong matiis ang matinis kong boses kung magtatalo man tayo o masisigwan man kita. Sana rin. hindi matupad ang mga sina"sana" ko dito. bakit? Kasi ayokong mag expect. (magulo diba?) Ang tanging gusto ko lang ay sana normal ka. normal ang pagiisip, dahil mahirap kung pareho tayong baliw baliwan. 

Siguro busy ka rin sa pagaaral ngayon... galingan mo sa math ah. Tanga kasi ako dun, at kawawa naman kung pareho tayong tanga dun, so toka mo na yung math(budgeting sa hinaharap) ako na bahala sa kwento. Yun lang naman ang maipapangako ko, ang kawalan ng dull moments sa buhay mo, lalo na kung sa tingin kong bagot na bagot ka na. Wag ka magalala, madaldal man ako, marunong pa rin naman akong makinig at manahimik, bihira ngalang yun, depende sa araw o sa timpla ng kape ko nung araw na yun. Favorite color mo ba ang pink? ok lang kahit pink, masculine color naman yun eh. Eh anong paborito mong pagkain? Sana marunong ka magluto, para matuturuan mo ako. 

Hindi ako nagmamadali na makilala ka, lalo na't di ko pa binubuksan ang gate ko papuntang adult world... mga 1 week from now pa bago ko yun buksan. anong hobbies mo? mahilig ka ba sa books? music? internet surfing? o outdoor activities? Go lang ng Go! haha (sana marunong kang tumawid ng kalsada ng mahusay para safe tayo pag tatawid, medyo may pagkalampa kasi ako)

Naiisip ko minsan na magkasama tayong manonood ng comedy movies at maiinis ka dahil sa ingay ko. (although wala kang mukha pag naiisip kita, weird lang? hehe) ano kayang mga gusto mong panuorin? magpapahiram ka kaya ng remote kapag gusto ko manuod ng america's next top model o ng cartoons?ano kayang trip mong gawin pag wala kang ginagawa? hmmm, naiisip ko pa lang natutuwa na ko, sa lahat ng mga pwede nating gawin magkasama. (shit cheezy!)

Maooffend ka ka ba kung magmumura ako? sana hindi...

Kapag may trabaho tayo pareho, sana we can find time for each other, lalo na kung may mga bulinggit na gremlins (anak, baby, junakis) na tayong kasama sa bahay. Ipinapangako kong magiging hands on ako sa pagaaral ng mga bata, para san pa't naging educ graduate ako diba? (kung makakagraduate ako, haha). Ngapala third year ako ngayong sinusulat (tinatype, baka kasi mamilosopo ka) ko ang letter na to... medyo stressful ang pag aaral, though masaya. Ikaw kaya, anong pinagaaralan mo ngayon? hmm. Alam mo feeling ko nakilala na kita, o nakasalubong kung saan, baka nagkasabay na tayo sa jeep o nadaanan ko na ang bahay niyo, siguro din ay hindi tayo nagpansinan. 

Hindi ko buburahin ang sulat na ito, isasave ko to sa lahat ng pwedeng pag save-an (ano daw? haha) para kapag kasama na kita, pwede kong basahin sayo ang sulat na ito. 

Hindi ako nangangako na ako ang magiging pinaka mabait na asawa ( dahil di naman talaga ako mabait, sakto lang)sa hinaharap . Hindi ko rin maipapangako na hindi ako magagalit sayo kahit kailan kasi moody nga ako, pero wag kang mag alala, alam kong hindi kita matitiis. Mamahalin kita ( oo,  sinabi ko yan, kahit feeling napaka mainstream ng idea ng love). Sisikapin kong maging understanding kahit napaka narrow minded ko minsan. Hindi ko hahayaang masira ng di pagkakaintindihan ang bubuiin nating pagsasama sa hinaharap. 

Kapag di ka makatulog sa gabi, gisingin mo ko para may kasama at kausap ka. 
Kung gusto mo ng kasama maglaro ng computer games, tawagin mo ako.
Kapag gusto mo kumain ng exotic food, sasamahan kita, pero di ako kakain. (moral support lang ako)
Kapag may sakit ka, ako bahala sayo! haha
Kung gusto mong magsoundtrip, magso-sountrip tayo!(Pag walang kuryente, kakantahan na lang kita.)
Kapag may problema ka, pwede mong sabihin sakin. 
Kung tayo naman ang may problema, aayusin natin ng magkasama. 

Pwede tayong magusap ng kahit ano o kahit gaano katagal. 
Sabihan mo ako ng tanga, mas gusto ko yun kesa, kinukunsinti mo ang katangahan ko. 

Sana may sense of direction ka, kasi madali akong maligaw eh. 
O pwede ring magdala na lang tayo ng mapa, o compass kapag aalis tayo. 

Di tayo magkakaroon ng tawagan katulad ng honey o darling. 
Ang tawagan natin dapat unique katulad ng whistle bomb, o kaya acetobacter, o helium. 

Magaalaga tayo ng aso, o ng pusa o ng hamster, o ibon, o kaya isda sa aquarium. Basta gusto ko may pet tayo. Papangalanan nating "Quiqueg". 


Ngapala, hindi ako naniniwala sa kasal, at sana maiba mo ang paniniwala ko. 

P.S.
Makulit ako, sana mahaba ang pasensya mo. :)
at hindi pa tapo ang sulat na to. may part 2,3,4,5,6,7,8,9, so on....

actually hindi na "sakanya" dapat ang title nito dahil ngayon hindi na siya sa blangko sa panaginip ko.. :) 

No comments:

Post a Comment