Saturday, 22 March 2014

random thought #2

hindi ako takot mamatay.
takot ako sa ideya ng kamatayan.

hindi ako takot magisa.
takot ako sa ideya ng pagiisa.

hindi ako takot magmahal.
takot ako sa ideya ng sakit kapag iniwanan ako ng minamahal ko.
ilan sa mga bagay na kinatatakutan ko ay mga bagay na walang kwenta, mga bagay na kung iisipin ay di naman talaga dapat katakutan. pero wala akong magagawa, dahil ang utak ko, lumalaboy sa lugar ng negatibong enerhiya lalo na kapag iniisip ko ang magiging "consequence" ng kasiyahang nararamdaman ko.

naniniwala ako sa pilosopiyang taoism, na hindi magkakaroon ng pagmamahal kung walang muhi.
lahat may katumbas na mabuti, lahat may katumbas na masama.

No comments:

Post a Comment