Monday, 20 May 2013

snail system


Hindi naman big deal yung pagsingit nila sa pila.. (kung may pila talaga..) yung tipong nauna ka pero dahil "parents/ guardians" sila.. gora sa unahan.. singit to the max! (Kabataan na nga lang ang pag-asa ng bayan! Tama si Pareng Pepe... )

Hindi big deal yung pinabalik pa ko after lunch kahit kaya namang tapusin ng half day ang enrollment. (so anong use ng maaga kong pag-gising? wala! kasi kahit 10 am na ko pumunta, ok lang kasi after lunch pa mangyayari ang lahat ng aksyon!) 

Di rin naman big deal yung paghihintay ko ng almost 15 mins para makapagbayad sa cashier kahit nasa unahan na ko ng pila..(tipong ako na yung next biglang pag-silip ko sa window, BOOM! wala si madam! bongga akong naghintay!)
Yung pag-uwi ko ng alas tres sa bahay ng luhaan dahil wala akong classcard na nakuha, kahit alas siete pa lang nasa school na ko. (wow as in wow! super touched ako)

Ang big deal ay yung pagtayo ko at pag usbong ng varicose veins ko sa binti, yung pagsasaway ng guard sa konting pag unat ng paa dahil harang daw sa corridor kahit wala namang dumadaan, yung maya't mayang pagsasabi niya ng umalis kayo sa "whole way" [hall way] dahil masikip daw.. (natural sisikip sa corridor dahil dun ang pila, saan kami mags-stay? sa grounds? sa study area? saan aber?!) 

No comments:

Post a Comment