Monday, 25 March 2013

a transition (random thoughts)

Kanina, habang nasa school ako, kumukulo ang dugo ko sa isang dating kaibigan (ngayon isang kalaban sa coldwar). Matindi ang galit (inis) ko sakanya, kasing tindi ng galit ko sa pagpapapansin ni Kris Aquino at ng nanay ni Heart Evangelista sa TV tuwing manonood ako ng balita  (bakit ba nila gusto na center of attraction sila?).

Tumataas lagi ang presyon ko kapag nakikita ko ang mga taong nagpapanggap na tao. 
Bakit nga ba?
Yun ang kanina ko pa tinatanong sa sarili ko... hanggang nagyon ( after 2 hours) di ko pa rin alam ang sagot.  

scroll scroll. 
facebook. 
Nabasa ko bigla ang artikulo ng masang Pilipino. Ng mga netizen. 
Natuwa ako. 
Nawala ang inis ko sa mga taong nakikita ko sa paligid ko. 
Pero ano nga ba? 
Ano ba ang silbi ng aktibismo sa buhay ng Pilipino?

May isang comment ang nagsabing - identity daw ang hatid nito- 
Identity.. oo identity, pero hindi kalayaan... 

Sabi pa ng isa -dahil daw sa aktibismo nakakapagaral siya ngayon- 
Nakakapag-aral ka nga... may natututunan ka ba?

Nakalimutan ko na ang galit ko sa mga papansin sa TV.. sa mga karahasang nangyayari sa Sabah (Malaysia o Philippines). MAINSTREAM. 

Pero bakit nga ba ako galit kanina? dahil ba nakita kong masaya yung kaaway ko o dahil nakita kong kaya niya ang sarili niya at natatakot ako na baka di na kami mag-away? 
Bakit? 
Naguguluhan ako sa mga salitang dumadaloy sa utak ko na para bang gusto nilang lahat na lumabas.. di ko lang alam kung paano. 

Kung manood kaya ako ng wrestling? personalan? 24 oras? tv patrol (bias)? cartoons? anime? 
Kaso IDIOT BOX daw yun.(pertaining to TV)- (which is true dahil mas gumagana pa nag utak ko pag natutulog ako) 
Ginagawa akong mang-mang ng mga palabas sa telebisyon. Sinungaling ang mga script writers.. ( kailangan ko pa bang magtiis, kung ako yung bida sa soap opera, kahit nilulublob na ng mukha ko sa drum ng tubig? hello? eh kung patayin ko kaya sila? )(criminal tendency) 


Paano kung ang tic-tacs, separately packed parang snow bear di ka kaya mairita?(naisip ko lang naman) 


Pero balik sa kanina ko pa sinasabi... anong problema ng pamilya ni Heart kay Escudero? Nabayaran kaya sila ng UNA o kaya inutusan ng kalaban ni Chiz o trip lang nila? Pwede rin namang overprotective lang yung nanay na yun, ayaw mahiwalay sa 28-year old daughter niya. Well.....  



Bakit di ko maituloy ang gusto kong sabihin? 
itutuloy...




No comments:

Post a Comment