Marunong akong sumulat kahit COLLEGE STUDENT LANG AKO kasi may sarili akong utak, kahit kailan di ko sinubukang magnakaw ng katha ng iba kahit ESTUDYANTE PA LANG AKO, kahit siguro maging SENADOR AKO NGA PILIPINAS, di ko kailanmang gagawin ang MAGNAKAW ng INTELLECTUAL PROPERTY NG IBA at humagulgol sa senado, para lang makuha ang simpatya ng mga mamamayan at makumbinsi silang kumampi sa akin upang di maipasa ang isang bill na matagal nang nakabin-bin. Isa yan sa mga dahilan kung bakit dapat magkaroon ng barrier ang showbiz people sa pulitika.
Hindi dapat minamaliit ang bloggers at sabihing di mo siya iaacknowledge dahil blogger lang siya, tao siya, kung tutuusin yung blogger pa nga ang mas matalino kaysa saiyo na nangopya lang, na hindi na nahiya dahil senador pa naman. HANUBANAMAN ang nangyayari sa Pilipinas, sa mga tao, next time, pumili ng tamang tao para umupo sa senado.ITO AY DI PANGHUHUSGA< KUNDI PAMUMUNA LAMANG SA MGA KAMALIAN.
____________________________________________________________________________________________________________
dipping around with the issue.. why not take your time and improve your life.
-sabi sakin ng isang taong itago natin sa pangalang, madam kontra..
well. this is a free country you can do what you want! hahaha masaya kaya makisawsaw sa issue ng bansa at mag feeling na involve ka sa mga nangyayri sa paligid mo.. sa tingin nyo ba may magagawa ang bawat singhal at sigaw ko sa TV, so why not go on with your own life, do what you want and i'll do whatever i like.
_________________________________________________________________________________
Porke ba hindi ko sinosoportahan si Jessica Sanchez, di ako fan ni Charice Pempengco at ayaw ko kay Manny Pacquiao, may crab mentality na agad ako? Di ba pwedeng busy lang ako para intindihin ko pa sila? (and besides, para lang sa dagdag na kaalaman, eh kaya lang naman naghihilahan ang mga alimango o alimasag eh para makaakyat ang lahat at makalipat sa ibang lugar, nagtutulungan sila, hindi naglalamangan o nagaaway para ibagsak ang isang nakaka-angat) Yun lang.
_________________________________________________________________________________
Wala nang mas titindi pa sa pagka-lantad ng mga tao ngayon, landian sa TV na di pa ginawang SPG ang MTRCB advisory, kahit na sabihin nating may tinatawag silang "kuya" sa loob ng bahay, hindi nangangahulugan yun na malaya na silang mag chuk-chakchenes at lantarang maglambutsingan sa harap ng hidden camera na alam din naman nila kung saan nakalagay. Sabagay, masarap talagang manood ng mga batang nagkakamot ng pwet at umiiyak dahil nominated sa pagkatanggal ang ka "malaswang ugnayan" (M.U.) nila...
_________________________________________________________________________________Nanood ngapala ako ng balita kanina, walanjong yan! nagwalk out si CJ este, nag may i go out pala dahil masama ang pakiramdam. Nganaman, sinong hindi sasama ang pakiramdam, eh mahigit kalahating oras ka ba namang magstory telling sa harap ng mga propesyonal na manananggol. nandun pa si kumareng Miriam Santiago na malayong kamag-anak ng karambulan ni Mon Tulfo sa NAiA.
At may isa pang laman ng balita, SI LADY GAGITA! i mean lady gaga, mother monster, ang tiatawag nilang card holder ng kung ano mang lupalop na hindi abot ng pag-iisip ko. sa palagay ko naman eh, makakatulong siya sa pilipinas, at sa pagpapayaman ng pasay city, dahil ilang pursyento ng kikitain ay ibibigay sa pasay city government. well, no comment na lang ako jan!
_________________________________________________________________________________
No comments:
Post a Comment