Sunday, 4 November 2012

Silaw sa kamunduhan

Sa lahat ng taong nakilala ko, wala pa kong nakita na gusto ng Pepsi kesa ang Coke, siguro dahil di nila kilala yun at dahil mahirap ang karamihan sa mga kakilala kong ubod ng mga kuripot, kung minsan nga naisip ko nang lumipat ng bahay, pumunta sa ibang lugar kung saan mas makakapagyabang ang ego ko ng walang humuhusga. 
***
Pilit kong iminulat ang mata ko nung araw na yun, weirdong panaginip nanaman kagabi, bumalikwas ako't dali-daling tumalon palabas ng kama sa pag-aakalang ang alas-tres ay alas nuebe na. Ano ka ba naman?!

Nakakailang hakbang pa lang ako patungo sa banyo ay napansin ko ang isang kamay na nakalawit mula sa maliit na siwang ng pader, inisip kong may patay kaya di ako pumunta at pumasok na lang ako sa banyo para gawin ang pang-umaga kong ritwal, kinalimutan ko ang nakita ko at nagpatuloy, tutal sumobra nanaman ang katangahan ko't gumising ako ng alas tres ng umaga. Paglabas ko ng banyo, gwantes lang pala iyon, at pinaglalaruan lang ako ng imahinsayon ko. Hinablot ko ang mga babasahin sa lamesita at saka ako nagbasa ng mga pa-sosyal kong magazine, sinisipat kong mabuti bawat detalye para kapag nagkaroon nanaman ng party sa opisina'y bida-bida nanaman ako.

*** 
Di ko na namalayan at nakatulog pala ako, presko kasi... maliwanag na at sigurado na kong late ako sa trabaho ko ngayong araw, ang hirap pala ng magisa sa bahay,  I mean condo, in the first place sino nga naman ba ang nagsabi saakin na tumira ako dito? sarili ko lang naman, dahil ito ang uso at ayoko na sa bahay, masyadong mabunganga ang tatay ko, yung nanay ko naman gastador, parang walang pinagkatandaan. Mukha mang magulo ang pamilya ko wala akong pakielam, dahil ang mas importante ngayon ay makapang-asawa ng mayaman.

*** 
Si manong taxi driver, nadaya nanaman siguro ako, 40 lang ang alam kong flag down rate aba nama'y sobrang laki ng siningil saakin, sabagay, di ko rin siya masisisi, mukha na kasi akong mayaman ngayon.

***
Ang lakas ng bulyaw ni boss, wagas makaatungal, as if naman na makikinig ako, eh mas maganda naman ang hermes bag ko kesa sakanya, kahit sa Green Hills ko lang to binili, in pa rin.

***
Habang nakaupo ako sa aking cubicle, may napansin akong kumpulan ng tao sa may water dispenser, sigurado may bago nanamang tsismis, pero wa ako care, ang hinihintay ko lang naman ay yung anak ni Don Fajardo na sigurado kong gwapo, mayaman at binata pa. Pag dumating yun next month at tinake over ang pamamahala dito, bibingwitin ko siya't magiging boss na ko dito.

*** 
"Uy napaaga daw ang schedule ng flight ni sir felix pa-manila", sabi sakin ng nag-iisa kong kaibigan dito sa opisina,
 "Naku , i can't wait to see him in person, sana binata pa rin siya kasi may mga bulung-bulungan na may fiancee na siya." sagot ko.

*** 
Ilang araw na ring nagdedecorate tong mga katrabaho ko, sus, para namang maiimpress si Sir Felix, i mean Felix my darling pag nakitang nag decor sila dito sa office, eh ako lang naman ang makikita niya, magpo-propose at magiging boss na ko.

"HOY Adelaida! nanaginip ka nanaman ng gising!" bulyaw sakin ng mahadera kong boss.
 "Boss don't call me adelaida, it's del, ok?"
 "Hay naku, kahit ano pa ang pangalan mo! wala akong pakielam! magtrabaho ka hindi yung puro nganga ka diyan!"
-Nakakinis talaga tong higanteng batibat-ish na babaeng to, pag ako naging asawa ni Felix darling, ikaw ang una kong tatanggalin! -isip-isip ko habang papalayo siya.
"Uy, del, ano nanamang kalokohan yang iniisip mo kay ma'am Laisa?" sabi ni che sa kabilang cubicle.
"Wala, wala.. ", pa-snob kong sagot.
"Baka naman insecure ka lang sakanya? sa sexy at ganda niyang yan, lahat maiinlove sakanya, at take note, matalino pa!"
"I don't care, panget siya, mataba, higante!!! ewww.."

***
Late nanaman ako sa trabaho, pero ok lang at least grand entrance, makikita pa ko agad ni Felix.
*BOOM, nagkagulo ang mga tao.. *
Shit may banggaan pa, super grand entrance na talaga ako niyan!

*** 
Di ako makapaniwalang siya ang fiancee ni Sir Felix! yung Laisa na yun? as in totally not good!

***
"Aalis ka o papatayin ko ang pamilya mo?" tanong ko kay laisa.
"Nababaliw kana ba talaga? Ano ba talagang gusto mo, trabaho ko?" sabi niya sakin
"Hindi!!!! ang gusto ko mawala ka na at ako ang maging fiancee ni Felix!"
"Del! di mo ba naiintindihan? ikakasal na kami, wala ka nang magagawa dun!"
"Anong wala? pag wala ka na, ako na ang mapapansin niya! ako na ang yayaman at hindi ikaw!"
May malakas na putok ng baril sa likuran ko habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg ni laisa.
nagulat ako't di ko sinasadyang magilit ang leeg niya.

***
"Tama na po!!! Tama na!!!" matindi ang iyak ko habang may ipinapasok silang kung ano sa precious one ko.
ayoko na.. ayoko na... hanggang sa nawalan ako ng malay.

*** 
"Pangapat na araw ko na dito sa muntinlupa, wala bang piyansa ang kaso ko?"
"Del ang piyansa, hindi nangangahulugang lalaya ka na, at mawawala na ang kaso mo, pansamantalang kalayaan lang yun habang on going pa ang hearing mo." Paliwanag sakin ni Atty. Lazaro
"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at ginawa mo yun?" , muli niya kong inusisa.
"Wala ka nang pakialam dun!" sabay tayo ko at paakmang sakal sa kanya, na agad naman niyang napigilan.
"Kung gusto mong lumaya, bigyan mo ko ng eksplenasyon sa mga nagawa mo!" sabi niya sabay alis.

***
Malalim na ang hukay na nagawa namin ng mga new found friends ko sa kulungan.. sapat na para makatakas.

***
Isang linggo na kaming nagtatago sa batas, ayos lang, may trabaho naman kahit bago sakin to.
"Uy del! may parating na kotse, parahin mo!"  Sabi ni tekla, isa sa mga kasama kong tumakas sa kulungan.
"Teka teka, mayaman ba?"
"Malamang! may kotse ehh.. "
"Oh sandali, itatas ko lang ng konti itong palda ko... "
Tumigil sa harap ko ang isang magarang kotse, agad akong yumuko at sinilip ang nasa loob, isang matanda, at isang binatang medyo maitsura ang nasa unahan may dalawang banyaga naman sa likod.
Walang anu-ano'y sumakay na rin ako. At YUN na.

*** 
"Naka-lima na ko ngayong gabi ahhh!!! wala kayo sa beauty ko mga girls!!!" pang-asar kong sabi sa mga kasamahan ko.
"Nakalima ka nga, dalawa naman di nagbayad, at hanggang ngayon wala pa ring kumukursunada sayo para gawin kang syota!" Sabi ni kris.
"Mga inggitera kayo eh no, at least ako may customer kayo wala!"
"Laspag ka na Del! magpahinga ka na muna." Payo ni tekla.

*** 
"Ang daming dollar nito ahhh!!!"- bulong ko sa sarili matapos ang isa nanamang bakbakan.
Dahan dahan kong kinukuha ang lahat ng makita ko sa hinubad na pantalon ng kanong customer ko ngayong gabi, nang bigla siyang bumalikwas sa kama at nagalit, natakot ako. Malalang pagkatakot, sa paningin ko'y nanlisik ang mga mata niya at akmang hahampasin ako ng lampshade sa gilid ng kama..

"NOOOOO!!!", malakas kong sigaw.
"What no!? you're stealing from me!" sagot ng kano sakin.
"No no no, i'm just checking if you have money to pay me." pagdadahilan ko.
Pero sinampal niya ko't hinila ako mula sa buhok, at ibinalandra sa kama.
Mahigpit ang sabunot niya sa buhok nang biglang may naramdaman akong tumusok sa tagiliran ko. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng paghinga ko sa huling pagkakataon.


No comments:

Post a Comment