Napatunayan na kahit sa simpleng institustyon katulad ng eskwelahan, kahit ang magkakaibigan pwedeng pagsabungin at pag-awayin ng mga elemento sa paligid na maaaring makaimpluwensya sa mga utak nila.
Ang matinding gutom sa kapangyarihan, sa una di mo mararamdaman pero habang tumatagal at nakikita mong may pag-asa kang maghari-harian, kakalam din ang kagustuhan mong mamuno.
Minsan sa magandang paraan, kadalasan sa masama.
Kahit siguro anong sabihin ng iba, na nasa tao yan, di pa rin nito mababago ang katotohanan na lahat ay nag-iiba basta may kaugnayan na sa pulitika. Basta may mga nilalang sa likod mong nagsasabing, "Dapat manalo ka!" ang mga mababait maaaring manatiling mabait, pero maaari din namang magbago ang paniniwala at tuluyan nang kumapit sa patalim ng kapangyarihan, ang masasama na ang ugali lalala pa at aabot sa sukdulan.
Kaya ngayon, may makapagsasabi ba saakin na mabuti ang pulitika? kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, masama ito para saakin. Ang pamumuno, maganda pero pag may panggulo na, nagiiba, pumapangit, nagiging kadiring bukid ng mapaglarong mga bawayang gutom sa laman.

No comments:
Post a Comment