Nakaka-asiwa ang pagmumukha ng mga taong nagkukunwaring tao, sa halip na magpakatotoo't isambulat sa buong mundo ang totoong siya. Wag magtago sa lilim ng ibang nilalang na alam ang tama at mali. Di ka mabubuhay ng matagal kung habangbuhay kang susunod, magpapa-uto, magmamaramot at makikibagay lang lagi, kahit na ang totoo'y umaapoy ka na sa loob, umaalab ang damdamin mo para ilabas ang totoong ik
aw, ang mga pighati ng kabataan mong tila inagaw ng mundong pinasok mo. Wag kang mag-alala, di ko ipagsasabi na tuta ka ng isang mapaglarong pugitang ang alam lang gawin ay magyabang at magmalinis kapag nadurungisan na, binabaliktad ang mga bagay kapag nasa alanganin na at pilit ididiin ang nasa katwiran para umangat o magmukhang api.
No comments:
Post a Comment