Friday, 20 March 2015

today was...

We didn't give up.
We just know and understand the limits of our students.
And as good teachers, we have to make sure that they understand what we teach and they acquired knowledge from us.
It is not about flaunting your English vocabulary in front of other people, it is more on how you can teach effectively, and effective teaching means that your students learned something from you. 

Yes, it is important to know the language for us to be able to be "globally competitive",(like what our school aims us to be)  but we also bear in mind the idea that students are diverse, some of them, or most of them really can't grasp an idea if it is purely explained in English. We can't just force them to understand English and absorb the Science concepts that we are teaching all at the same time. We are not superheroes, we are not gods, we can't even do magic tricks! Stop asking us if we have already tried teaching in pure English, because we already did, and it is not that effective. I dare you to teach high school students, and let us see if you can teach them the concepts of biology in pure English and be able to evaluate, and assess their learning effectively. If all of them passed an exam without you explaining to them the concepts in Filipino, then kuddos to you! Exerting force into making someone do something is not an effective strategy in teaching.

If you want to bombard us with your criticisms, find a better avenue. Don't grab the opportunity to make us look like we are imbeciles in  front of other people while you are holding the microphone and we can't talk back and defend ourselves.

One more thing. Respect is a big word, and we know how to give respect to people who earn it. (Checking our cell phones or taking pictures does not show disrespect! but those people who are supposed to be in charge but are not doing their responsibility, instead doing other stuffs unrelated to the event and disturbing the event itself, those are the people who are disrespectful!)


If you always have to teach in englsh, then why does the K-12 program implement teaching in the mother tongue for several grade levels?! If the education department really wants us to be english speakers then the government should've just make english our mother tongue. 

Thursday, 6 November 2014

KUPAS NA DI LUMILIPAS



- elements of a Filipino “palabas” that never fades

Narito ang ilan sa mga elemento ng pelikula at telibisyong Pilipino na hin-ding-hindi nawawala, mag-sawa ka man, wala tayong magagawa, dahil parte na ito ng ating kultura, kumbaga sa isda, ito ay hasang.

GOONS
Minsan ba naitanong mo na kung bakit laging galit ang mga goons? Kung bakit lagi silang nakasimangot, namamaril, nambubugbog, at pumapatay ng tao? Pwes isa lang ang sagot ko dyan, Ikaw ba naman ang pasuotin ng leather jacket, maong na chaleko, pantalon, sombrero at black shoes sa katirikan ng init ng araw, di ka kaya magalit? At eto pa, di rin sila sumusugod ng sabay-sabay, ang dahilan kung bakit lagi silang talo sa mga fight scenes.

BATYA, DRUM, TIMBA
Sa kahit anong palabas, mapa-komedya, aksyon, drama, o katatakutan, di mawawala ang tatlong yan. Sa comedy laging naitataklob ang mga bagay na yan sa ulo ng mga actor, pandag-dag eksena lang. Sa drama, syempre, dito laging inilulub-lob ang mukha ng mga bida, lulunurin kunyari at saka aapihin. Sa aksyon naman, ang mga bagay nay an ang hudyat na magsisimula na ang rumble, madalas itong sinisipa, (kawawang drum, timba at batya). Dumako naman tayo sa mga pelikula at palabas na katatakutan, ang drum ang siyang madalas na bida sa mga horror movies na ito, kadalasan may mga multo at kung anu-ano pang ele-mento ang nananakot at lumalbas dyan.

WAREHOUSE, BODEGA, BAKANTENG LOTE, ABANDUNADONG BAHAY



Ang mga lugar na ito ang nagiging setting para sa klaymaks, dito nangyayari ang mga barilan o takutan. Ang mga mga warehouses na ginaganapan ng mga labanan ay kadalasang may mga crates, kahon o di kaya mga malalaking bagay na pwedeng pagtaguan ng mga nag-babarilan. Ito ang lugar kung saan laging may engkwentro, madalas din na ditto natatapos ang palabas, kakaway ang bida o di kaya ay ngingiti sa kamera.


HIGANTIHAN AT MGA KERIDA
Ang mga tauhang ito ay madalas sa mga aksyon na palabas, yung tipong maghihiganti ang bida, dahil pinatay ang kung sinong miyembro ng pamilya niya, girlfriend o asawa, o di kaya ay kaibigan.

Ang kerida naman ay sa mga drama mo makikita, ang mga palabas kung saan halos 1/3 ay puro iyakan, sampalan, sumpaan, sabunutan, agawan ng asawa, anak, pusa, bahay, lupa, kotse at kung anu-ano pa. Mas patok pa sa masa kapag mamamatay ang kerida dahil magkakaroon “Return of the Comeback” ang bidang inapi.

KRIMEN
Present lagi ang krimen sa halos lahat ng napapanuod ninyo. Kidnapan, carnapan, holdapan, smuggling, illegal logging, graft and corruption, murder, homicide, massacre, snatching at kung anu-ano pa, name it! At lahat ng mga yan, meron ang pinoy palabas.


LATE NA PULIS
Eto naman ay sa ending lang nakikita, yung darating ang pulis pag tapos na lahat ng akson, natalo na ang mga kalaban, nailigtas na ang nadukot na leadning lady ng bida o kaya ang kanyang anak, nakapagkissing scene na ang magka-love team, at nakahandusay na ang mga galit at pawisang goons kasama ang kanilang bossing.

SIDEKICK
Sila ang mga taong “Moral Support”, mga bestfriend, kapatid, pinsan, kapitbahay o ka-trabaho ng bida na support lang ng support. Lagi silang may bright idea, minsan namamatay pero ka-dalasan buhay hanggang dulo at nagbibigay ng punch line bago i-roll up ang cast at crew ng pelikula.

MAGANDANG LEADING LADY
Ang mga babaeng, sobrang ganda, kaya pinagmumulan ng away o kaya ng mga krimen. Yun lang ang ganap nila, pandagdag palamuti at hatak sa mga manonood.

AMNESIA
Aksidente sa kotse, nabagog, muntik nang mamatay, pinatay na nga pero sumablay. Mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng amnesia ang mga tauhan sa isang palabas, kadalasang dito umiikot ang kwento, ang pagtuklas sa totoong katauhan ng bidang may amnesia na kinupkop ng ka-love team niya.

MAYAMAN AT MAHIRAP
Mala-Romeo and Juliet na tema ang paksa ng mga peliku-la’t palabas sa telebisyon. You and me against the world ang drama dahil mahirap ang isa at mayaman ang isa.yung tipong tutol ang pamilya ng mayamang babae/lalaki dun sa napupusuan ng kanilang anak na mahirap. Pero sa huli nagkakatuluyan pa rin naman sila. Lagi yun.

MAGANDA AT GWAPONG KONTRABIDA, THE BOSSES
Ang mga kontrabidang hindi nasususgatan, mayaya-man, at maraming alipores na handang gumawa ng masasamang bagay para sa kanila.

BIDA
Ito ang mga pangunahing tauhan, mga taong minsan api, naghihiganti, nagtatanggol, pero sa huli laging, “Alive And Kicking”.

May tatlong uri sila:
Martyr- mga inilulublob sa drum, nilulunod pero di gumaganti, mababait sila at laging umiiyak, pero sa katapusan ng bawat palabas, sila ang pinamamanahan, yumayaman, at nagtatagumpay.

Imortal- ang mga bida ng mga action movies, sila ay mata-tapang, namamaril pero mabait daw sila at pinagtatanggol nila ang hustisya. Mala-superhero ang dating at di sila namamatay, ang tanging bida lang naman na namamatay ay si Goku ng Dragon Ball.

Clown- patok sa masa, kumikita sa takilya, sila ay mga bidang nagpapatawa, may mga sidekick na sinasaktan nila maya’t maya, at may magandang leading lady kahit di naman sila ga-nun ka-gwapo.


Yan ay ilan lamang sa madalas na laman ng mga pam-pilipinong palabas, marahil sawa na ang iba pero aminin natin, di pa rin kumukupas ang mga yan, dahil di kumpleto ang istorya kapag wala ang kahit alin sa mga nabanggit. Nakasanayan na’t malamang ay di na mawawala pa. Anu’t ano pa man, tatak Pinoy pa rin!

Friday, 24 October 2014

Noli Me Tangere script

Modern Adaptation 

NOLI ME TANGERE (2014)



Cast of Characters
Ibarra  ( Christopher )
Padre Damaso ( Senator Leo Damaso)
Elias (Eli)
Maria Clara (Marie)
Pilosopo Tacio  ( Professor Mirriam)
Sisa (Cecilia)
Tiya Isabel (Isabel)
Kapitan tiyago (Congressman Damian Santiago)
Don Tiburcio de Espadana ( Doctor Timoteo)
Donya Victorina (Victoria)
Don Alfonso Linares de Espadana ( alfons)
Basilio (Basya)
Crispin (Cris)
Padre Sybila( Senator Sybila)
Senyor Guevarra( Former Congressman Guevarra)
Salome (Sally)
Pia alba (Pia)
(other extra characters)
Note: the gender of the characters may be altered depending on the availability of actors and actresses (If there are any). The script is just the GUIDE, not the RULE.



__________________________________________________________________
Scene 1 :
External
Gun shots
Footsteps running
Camera shift from worms eye view to normal eye view

Police – punyeta! nandun sila sa likod ng truck, habulin nyo mga bano!

Footsteps
Continuous gunshots
Eli- sir, maghiwalay tayo, tumakas ka na! tumakas ka na!
Christopher – paano ka ?
Eli- akong bahala, di nila ko mahuhuli basta basta!
Christopher – sumunod ka sakin sa tejeros!
Eli- sige sige, bilisan mo na!sir, cellphone nyo po! (throws ibarra’s cellphone)
Ibarra catches the phone,runs and fades out of the scene
Continuous gunshots
Eli comes out of nowhere, return gunfires, and will be shot
Eli faints

(black out)
Soundtrack playing
Transition to scene 2



Scene 2:

Internal
Night
Party ambiance
Sounds of glasses lobbing

Congressman Santiago: Guests, let us welcome my deceased friend, Don Rafael’s son... Christopher Ibarra.
Ibarra enters the scene
Guests will applaud
Ibarra shakes the hand of several guests
Cong. Santiago will talk to Ibarra privately taking him away from the other guests

Congressman Santiago: Kamusta naman ang pag-aaral mo sa Europe?
Ibarra- uhm tito, yun nga po eh, medyo hindi maayos.
Congressman Santiago- bakit? Ano bang nangyari?
Ibarra: hindi ko po tinapos.
Congressman Santiago- (shakes his head) dahil ba sa pagkamatay ng iyong ama?
Ibarra:(bows down his head)
Congressman Santiago-di bale Christopher, bata ka pa, marami pang panahon para tapusin mo ang pagaaral mo… (turns away from ibarra)
Marie arrives
Marie- mahal, ayos ka lang ba? Halika’t ipapakilala kita sa ibang mga bisita.. party mo to’ diba dapat ay masaya ka?
Ibarra- (smiles)
Other side of the room
Marie- (approaching a group of guests, while dragging Ibarra) Dad, let’s introduce Christopher to your friends. 
Congressman Santiago- ahh, sige hija…
Marie- Christopher, this is Senator Damaso, Senator Sybila, former Congressman Guevarra, our family physician Dr. Timothy , and her beautiful wife, Tita Victoria.
Ibarra shakes the hand of each of the guests introduced to him
Victoria- oh hija, nambola ka nanaman ha..
Marie- tita, kailan po ba kita binola?
The two will talk continuously while Ibarra mingles with the other guests
Cong. Guevarra – ikaw ang nagiisang anak ni pareng Paeng hindi  ba? Nalulungkot pa rin ako sa pagkamatay niya. Buti na lang at nandyan ka para ipagpatuloy ang nasimulan ng papa mo, kelan mo balak tumakbo sa pagka congresista? O magsisimula ka ba muna sa pagiging mayor ng san diego?
Ibarra- ahy hindi po, wala po akong balak pumasok sa pulitika.
Senator Sybila- naku, hijo, sinabi ko din yan noon, pero nung nasimulan ko na ang paglilingkod sa maynila noong mayor pa lang ako eh, hindi ko na tinigilan, masarap sa pakiramdam ang makatulong.
Ibarra- makatulong? Hahaha baka nga po. Hindi natin alam. ( looks at senator Damaso)
Senator Damaso- papasok ka sa pulitika? Ano bang tinapos mo?
Ibarra – kasasabi ko lamang po, wala akong balak pumasok sa pulitika.
Doctor Timothy- bueno, ilang taon ka bang namalagi sa Europe?
Ibarra – pitong taon din po…
Dr. Timothy- so, hindi ka nakapunta sa libing ng iyong ama?
Ibarra- (sadly) hindi po…
Victoria- hijo, nalibot mob a ang buong Europe? Matagal ko na ding gusting gawin yun, kaso itong si timothy masyadong busy sa trabaho, ni hindi kami makapagbakasyon sa ibang bansa!
Ibarra- Nalibot ko po ang ilan sa mga bansa doon habang nagaaral, natutunan ko po ang iba’t ibang kultura pati ang kalagayan ng pulitika sa mga bansa katulad ng England at Germany.
Sen. Damaso- yun lang ang ginawa at natutunan mo? Di ba parang nagsayang ka lang ng pera sa ginawa mo?
Ibarra and sen. Damaso will look at each other furiously for a while
Ibarra – (puts down his wine glass) excuse lang po… mukhang kailangan ko nang umalis. Gumagabi na rin po at (rubs his forehead)  may jetlag pa ko. (will look at cong. Santiago) tito, ipagpaalam nyo na lang po ako kay Marie, pakisabing dadalaw po ako bukas ng umaga, pasensya na po. (turns away)
Sen. Damaso – see! See how disrespectful that boy is? Manang mana sa tatay niya… mas malala pa, akala mo kung sinong magaling porke’t nakapag aral sa ibang bansa! Napaka walang modo!


Scene 2.5
(external) parking lot
Night
Ibarra walking towards his car
Cong. Guevarra- ( running towards ibarra)  hijo, sandali lang!
Ibarra- ( turns around, looks surprised) bakit po?
Cong. Guevarra – pasensya ka na kay Leo… sadyang ganun lang siya. (smirks uneasily) alam kong alam mong nagkainitan sila dati ng iyong ama.. pero pagpasensyahan mo na siya.
Ibarra- ( leans at his car)  ayos lang po…
Cong. Guevarra- Christopher, alam mob a ang nangyari sa papa mo? Naikwento ba sayo ni Damian?
Ibarra – ang sabi po sakin ni tito ahy nakulong daw po si papa dahil sa pagbaril sa isang taga BIR, sa kulungan daw eh nagkaroon ng komplikasyon dahil sa sakit niya sa puso.
 Cong. Guevarra – hijo, alam mo naming hindi yun magagawa ng papa mo diba?
Ibarra- opo, pero yun po kasi ang sinabi sakin ni tito damian, at yun din po ang naririnig ko sa balita.
Cong. Guevarra – sayang at hindi na kayol nagkausap ng papa mo… Christopher, hindi totoong namaril si pareng Paeng.
Ibarra – po?!
Cong. Guevarra – pinalabas lang ng mga kalaban niya sa pulitika na ganun ang nangyari pero ang totoo, ipinagtanggol lang niya yung isang empleyado ng  congreso mula dun sa taga BIR na nanggugulo, sa yabang nung taga BIR naglabas ng baril, nagpambuno sila at aksidente niyang nabaril yung lalaki. Self-defense lang ang ginawa niya. Pero dahil mas makapangyarihan ang mga kalaban niya, walang nagawa ang tatay mo.  (flashback optional)
Ibarra- (confused) (silence) (staring blankly) ( crying is optional)
Cong. Guevarra – (will console Ibarra)
Scene 3
Intenal
Morning
Ibarra and Marie, sitting down on the porch of her room
Marie- mahal… sa dami ng mga babae sa ibang bansa hindi ka ba natukso?
Ibarra – hmmm, medyo lang.
Marie- sinasabi ko na nga ba! ( frowning) kaya noon pa lang tutol na kong pumunta ka dun eh, alam kong kakalimutan mo na may girlfriend ka dito, at hindi lang girlfriend, fiancé mo kaya ako!
Ibarra- halaman lang sila para sakin… walang wala sila kumpara sayo.
Marie – naku, Christoper! Lalaki ka pa din, at sa pitong taon nay un, imposibleng wala kang nagustuhan sa mga magagandang babaeng nandun!
Ibarra- mahal, iba naman ang pagkakagusto sa pagmamahal hindi ba?  
Marie- jan ka magaling! Sa pagpapalusot! (smiling )
Ibarra – uhmm, marie, maiba ako, sa makalawa ngapala, uuwi ako sa San Diego… bibisitahin ko lang ang puntod ni papa.
Marie-samahan kaya kita? Bakasyon na rin natin yun…
Ibarra – wag na mahal, ako na lang, babalik rin naman ako agad kinabukasan nun.
Marie- sige ikaw ang bahala…
Scene 4
External
Morning
Memorial park
Ibarra walks towards the grave address while holding a piece of paper
Ibarra- uhmm, excuse ho, ah, saan ho ba yung puntod ni Rafael Ibarra? Sabi kasi sakin ay dito daw yun, malapit sa bakod… tapat ng malaking puno. 
Sepulturero/a – hah? wala namang nakalibing dito na ganun? Magtanong nalang po kayo sa may opisina doon. Di ko rin sigurado pero sa pagkakaalam ko wala dito. Si Cong. Ibarra ang tinutukoy mo diba?
Ibarra – oo… siya nga… sige salamat. ( walks away, head towards the office)
----------------
Desk officer-yes sir, good morning!
Ibarra – Icoconfirm ko lang sana kung dito nakalibing si Rafael Ibarra.
Desk officer- uhm wait lang po, check ko lang po… (faces her computer) uhmmm hindi po eh… sigurado po ba kayong yun ang registered name?
Ibarra- Oo. ( sighs) uhm, sige salamat na rin.
Desk officer 2 – sir, teka lang po… may record po dito ng cremated remains under Rafael Ibarra, yung congressman po, pero wala po dito yung abo, kinuha po nung nagclaim na kapatid niya.
Ibarra – huh? ( thinking: wala naming kapatid si papa..) may pangalan ba yung nagclaim na kapatid niya?
Desk officer 2- sir, confidential po kasi yung information, kaano- ano po ba kayo nu---
Ibarra- (loud voice, angry) anak ako ni Rafael Ibarra kaya sabihin mo na lang kung sino ang kumuha sa mga abo niya!
Desk officer 1- sir, wag po kayong magalit, ito na po yung address na binigay… ( hands over a piece of paper)
Ibarra- salamat…. Pasensya na… ( walks away)
-----------
Ibarra goes to the address given by the desk officer
Knocks at the gate
Ibarra- Dito po ba nakatira si Klarisa Manalang?
Klarisa- ako nga… bakit?
Ibarra- kayo daw po kasi ang kumuha sa mga abo ni Rafael Ibarra.
Klarisa- (suddenly closes the gate)  Umalis ka na. Wala akong alam. Alis na!
Ibarra – parang awa nyo naman na po, sabihin nyo kung anong nalalaman niyo… kung wala kayong ginawa at wala kayong alam, bakit pinapaalis niyo ko? (slamming the door)
Klarisa – (opens the gate and lets Ibarra enter) sasabihin ko pero ipangako mong di mo ko ituturo…
Ibarra – (nods)
They will enter the house
Klarisa – kaano – ano mo si cong. Rafael?
Ibarra – anak po niya ako. Christopher Ibarra.
Klarisa- bakit wala ka noong namatay siya?
Ibarra- nasa Europe po kasi ako, nagaaral. Nalaman ko lang po na patay na siya nung nailibing na daw. Pero pinuntahan ko yung puntod na itinuro sakin, wala naman po dun, ang sabi sakin, kinrimate daw, at ikaw ang nagclaim.
Klarisa- pasensya ka na hijo, napag utusan lang ako… dati akong empleyado sa congreso, ako yung pinagtanggol ni cong. Ibarra kaya siya napaaway dun sa taga BIR na nangingikil.
Ibarra- ano nga pong nangyari? Nasan ba ang abo ni papa?
Klarisa- hindi siya kinrimate…
Ibarra- ano?
Klarisa – nung araw na nakulong siya, hindi siya mismo sa kampo krame dinala para iditene. Hindi ko alam kung sino ang nag utos sa mga sundalo na kunin at patayin siya… hindi rin totoong inatake siya sa puso sa loob ng kulungan. Ibang labi din ang dinala nila sa punerarya para icremate. Basta inutusan ako ni governor salvi na kunin yung bangkay na ipinacremate nila. Yung katawan ni cong. Rafael, itinapon daw nila. Yun lang ang alam ko, maniwala ka… sumunod lang ako sa mga utos nila, ayoko lang na mapahamak ang pamilya ko… (sobs as if going to cry) ( flashback optional)
Ibarra – (sadly) sige maraming salamat…
Klarisa- mangako kang hindi mo ituturo na ako nag nagsabi sayo…
Ibarra – makakaasa ka. Salamat ulit, mauna na ko…
(out of the original story scene)
Scene 5
Internal
Afternoon
Back at manila, Cong. Santiago’s house
Cong. Santiago having coffee with now Cong. Salvi
Knock on the door
Cong. Santiago- pasok…
Maid- sir, si sir Christopher po nandito, hinahanap po kayo…
Cong Santiago- aba, papasukin mo… nang maipakilala ko dito sa aking kumpadre!
Ibarra enters
Cong. Santiago – oh hijo, kelan ka dumating galing san diego?
Ibarra – kaninang umaga po tito.
Cong. Santiago- eto ngapala si congressman dionisio salvi, dati siyang gobernador ng san diego, at ngayon business partner ko, magveventure----
Ibarra suddenly punched cong. Salvi and hold him in his collar
Ibarra – (still holding cong. Salvi’s collar) walanghiya ka! Anong ginawa niyo sa tatay ko?! Hah!
Cong. Santiago-(seperating ibarra from cong. Salvi)  Christopher, ano bang nangyayari sayo?!
Ibarra – ang taong to! Pinatapon niya ang katawan ni papa! (Releasing cong. Salvi and pointing his fingers unto him)
Cong. Salvi- (fixes his shirt)  huminahon ka nga! Anong pinagsasasabi mo? Tatay mo si Rafael?!
Cong. Santiago- teka teka… pare, ito so Christopher, anak siya ng namayapang si pareng Rafael, fiance siya ng anak kong si Marie… huminahon nga muna kayong dalawa… (Signals the two to sit down) ano ba kasing nangyari Christopher?
Ibarra- May nagsabi kasi sakin na itong si Salvi, may kinalaman sa pagkamatay ni papa! Diba ang sabi mo sakin, inatake siya sa puso sa kulungan, at doon nilibing sa san diego? Tito, wala doon! Sabihin nyo nga sakin ang totoo, hindi yung naglolokohan tayo pare pareho dito!
Cong Santiago- (looks at cong. Salvi then at ibarra) yun ang sinabi sakin Christopher… wala din ako nun sa tabi ng tatay mo nung namatay siya… hindi ako ang nagasikaso nung ninilibing siya, di rin naman siya binurol dahil wala ka nga sa bansa….
Congressman salvi – ( bursts out)  Nautusan lang din ako. ( stiff tone)
Ibarra – nino?
Cong. Salvi – ni Sen. Leo Damaso.
Ibarra – totoo ba yang sinasabi mo o nagpapalusot ka lang?!
Cong. Salvi – nagsasabi ako ng totoo, inosente ako sa mga nangyari.
Ibarra- (stands up and walks out)
Scene 6
Internal
Ibarra pays a visit to his old friend professor Miriam
Miriam – ( sitting down)  oh kamusta ka Christopher? Hinintay kong dumalaw ka dito simula nung nabalitaan kong dumating ka galling Europe.
Ibarra- hindi mabuti…
Miriam- mukhang nawawala na yang pagkabulag mo… 
Ibarra- huh?
Miriam- hindi na nga bulag, tanga naman…
Ibarra- may nalaman ako tungkol sa pagkamatay ni papa.
Miriam- na hindi siya namatay kundi pinatay? Christopher, yan ang hirap kapag malalaking tao ang kinakalaban…
Ibarra- paano mo naman nasabi yan?
Miriam- simple lang Christopher, hindi ako tanga at bulag katulad mo. Tumingin ka sa mga taong nakapalibot sayo. Hindi lahat totoo, yung iba tuta ng mas nakakataas. Yung iba, sila mismo eh nagpapatuta para hindi mawalan ng hininga.
Ibarra- ano bang sinasabi mo…
Miriam- malalaman mo din kapag binuksan mo nan g tuluyan yang mga mata mo…
Ibarra- bueno, ikaw, kamusta rito?
Miriam- (stands up and walks toward the window) may rally nanaman sa baba. Hindi ako tutol sa ginagawa nila, aanhin ba naman ang masinsinang usapan kung sarado ang tenga ng mga namumuno tungkol sa estado edukasyon dito sa pilippinas…
Ibarra- ano bang pinaglalaban ng mga estudyanteng yan?
Miriam- tumaas nanaman kasi ang matrikula, 40 % ang itinaas. Ang hinaing nila, bakit nganaman wala manlang nagiimprove dito sa state university na to? Feeling daw nila high school lang sila, lahat bawal tapos nagtaas pa matrikula, buti daw ba kung napapaganda yung mga classroom at may natututunan silang maayos?
Ibarra- hindi ko maintindihan, bakit ang laki ng itinaas?
Miriam- baka gagamitin para sa birthday party ng anak ng dean? (pabiro) hindi ko rin alam… sana lang idagdag sa sweldo naming anim na buwan ko nang hinahanap…
Ibarra- di bale, magtatanong ako sa gobernador dito kung pwede ba kong makapag donate ng pera para sa pagpapaayos ng school.
Miriam- umasa kang tatanggapin nila yan… magmamakaawa pa sila sayong bigyan mo sila ng pera…
Scene 8
Internal
Small time store
Morning
Tetay-  (whipping  crispin with a belt) lintek na ba taka! Ilabas mo yung pera! Magnanakaw ka!
Cris- ate, wala po talaga sakin, hindi ko ninakaw!
Basya- tama na po yan! Hindi po magnanakaw ang kapatid ko!
Tetay- letche! Sinungaling kang putangina ka! Ako ang malalagot kay ate Martha pag hindi niyo binalik yung kinuha nitong pera sa kaha!
Basya – wala nga po samin! (restraining tetay from hurting cris)
Tetay will push Basya away and will drag cris inside the store
Basya will run towards their house to call her mother
Basya-(sobbing and crying) nay! Si cris, binubugbog ni ate tetay! Pinagbibintangan kasi siyang nangnakaw ng pera sa kaha, pero nay wala talaga… hindi niya kinuha, hindi rin ako…
Cecilia- huh? Sige anak pupuntahan ko siya sa tindahan, diyan ka lang ha, wag kang lalabas ng bahay…
-------------
Cecillia will run towards the store but is stopped by a tanod whom tetay called to arrest them.
Tanod- (pushing cecillia)hoy ikaw, ilabas mo na yung pera nang hindi na mapuruhan yung anak mo!
Cecilia- hindi kami magnanakaw! (starts crying)
Tanod- tangina, ibigay mo na lang kasi!
Cecilia- wala nga!
The tanod will hold cecilia’s hair and will drag her down the streets
Passersby’s will just look at what is happening, nobody will help her
Cecilia, will fight back but will be punched in the abdomen again she will be dragged even harder
Tanod- ( while walking) pareho kayong malilintikan ng anak mo! Sinasabi ko sayo, hindi na makaka abot ng bukas yang anak mong pasaway!
Cecillia – (will stumble, cry) cris, anak ko…. (cries even harder)
---------------------------
“GO ALONG SCENE”
Basya is in the house shaking because of fear
Someone will knock on the door
The door suddenly slams and a tanod will enter,
Basya will run really fast to escape the tanod
---------------------------
Cecilia have managed to escape and went back home
Cecilia- basya?! Anak? Basya?! Nasan ka anak?
She looked everywhere in the house but basya isn’t there.
Cecilia will sit down and cry
Fade out
Scene 9
External
Restaurant
Lunch
Marie – (merrily talking to her friends, laughing) (towards Sydney) hay naku, alam mo kasi, sadyang baduy lang pumili ng singsing yang si christopher! (handing over her hand and showing off her engagement ring)
Sydney – (while holding the hands of marie) ang ganda kaya nito, at mukhang mamahalin…
Vina- syempre naman mahal yan, mayaman si Christopher diba? Nakakahiya naman kung cheap na singsing lang ang ibibigay niya kay marie. (giggles)
Ida- ayan na pala yung pagkain… ano ngapalang inorder mo para kay tita Isabel?
Marie- the usual, paella.
Neri- ayan na sila tito simon! (offers a sit to Cong. Santiago)
Ida- ang tagal naman nio Christopher, siya ang naginvite sa atin dito sa san diego tapos siya ang wala…
Sydney- hay naku marie ah yang fiance mo, pagsabihan mo nga! Hahaha
Ibarra will arrive
Kiss marie on the cheeks and sits down beside her
Marie- shhhh! Di pa pala kita naioorder.
Ibarra- that’s ok… (Raises his hands and call the waiter)
Eli the waiter will arrive to take their order
Someone will shout at him
Customer – hoy ano ba?! Yung order ko kanina ko pa hinihintay ah namumuro ka na!
Eli- Pasensya na po mam , 3 mins na lang po… ( while walking towards ibarra)
Customer-(stands up and walks in the direction of eli)tapos sila pa uunahin mo? Ano tayo naglolokohan? Eh kung ipasisante kita?
Eli- ma’am 3 mins pa daw po kasi yung order nyo sabi nung chef…
Customer- tigil tigilan mo ko!  Nasaan ang manager nyo? At pareho ko kayong ipapasisante ng estupidong chef niyo na napakabagal magluto!
Ibarra will stand up and walk over the two
Ibarra- madam, mawalang galang nap o, nainig nyo naman po na 3 mins pa yung order nyo diba?
Customer- bakit ka ba nangingielam gago ka ha? Di mob a ko kilala? Ako ang asawa ng chief of police dito!
Ibarra- wala pong pakielam ang gagong ito ( pointing to himself) kung asawa pa po kayo ng gobernador, congressman, senador, presidente o kung sinong ponsio pilatong makapangyarihang tao. Ang punto ko, hindi kayo pwedeng mang mata ng ibang tao at pagbantaan pa na ipapasisante lalo na’t wala naming ginagawang kasalanan sainyo.
Customer- pakielamero! ( goes back to her sit)
Eli- (to ibarra) sir, maraming salamat po… tatanawin ko pong napakalaking utang na loob ang ginawa niyo… maraming salamat po… ( shakes the hand of ibarra)
Ibarra- wala yun, ( looks at eli’s nametag) eli? Eli!
Eli- ano na po pala yung order niyo sir… ?
Camera changes shot
The lunch will be served, and they will eat.
(if possible time lapse video of their feast and happenings)
During the gathering eli will talk to someone, and will disappear from the scene.
--------------
Police will arrive serving a warrant of arrest to Eli
Police- (to the receptionist) nandito po ba si Eli Sta Crus? Meron kaming warrant of arrest sakanya… sa salang attempted murder kay senator damaso...
Receptionist- huh? Nandun po siya sa kusina…
Police-  salamat.
They will search the place but eli wasn’t there.
The police will just walk away disappointed
Backstory: Eli is currently a student of Professor Miriam, an active member of the rallies being held in the school and some other places including the senate and the congress. One time he held out a placard saying (mamatay ka na damaso!)
Before they leave the restaurant... Ibarra received a call from Miriam
Phone conversation:
                               Ibarra: hello?
                               Miriam- chris, may dumating na letter of approval dito tungkol sa donation mo.
                               Ibarra- oh good!
       Miriam – chris, tingin ko hindi magandang idea ang pagpapadaan ng pera sa munisipyo bago pa man makarating sa nakakontratang construction company…
                               Ibarra- bakit naman?
       Miriam- tingin mo ba walang mababawas sa pera at tama ang pagdadaanan ng bidding? 
       Ibarra- hindi naman siguro…
       Miriam- oh sige… ikaw ang bahala… bye.

Scene 10
Black scene( uknown specification)
A guy wearing barong sitting down in a semi dark room, will talk to someone with its face also hidden, just their body are seen. The guy wearing a barong is commanding the guy to eliminate ibarra from the face of san diego… there were other guys in the scene, their faces are hidden but one familiar guys is there, it is eli, disguised as one goon.
Scene 11
External
fiesta and founding anniversary of the town of san diego
Senator damaso as the guest speaker
Senator Damaso – (giving a speech) yung mga school houses na nakikita natin jan sa gawing kanan ng multipurpose hall, papadagdagan ko yan ng dalawa pang palapag.  At sisiguraduhin kong magiging komportable ang ating mga magaaral sa mga bago kong proyekto. Para ito sainyo. Dahil ako, kahit hindi ako nakapag aral sa ibang bansa, nakakatulong ako sa kapwa ko… hindi ako nagpapaka impokrito o nagmamalinis,oo,  isa akong pulitiko, pulitikong nakakatulong sa mga kababayan ko… sa muli’t muli, maraming salamat, at mabuhay kayo, mahal kong mga kababayan.
Eli suddenly appeared out of nowhere wearing a cap and a jacket to hide himself.
He came up to ibarra
Eli- sir…
Ibarra- (confused) sino ka?
Eli- sir ako poi to, si eli…
Ibarra- bakit nandito ka? Diba’t pinaghahahanap ka ng mga pulis?
Eli- opo, pero hayaan nyo na po yun… may nalaman po ako, balak po kayong patayin nila sen. Damaso..
Ibarra- huh? Nababaliw ka na ba? At bakit kilala mo ko?
Eli-sir diba po kaibigan niyo si professor Miriam? Teacher ko po siya.marami po siyang naikukwento tungkol sainyo…
Ibarra – teka teka, doon tayo sa banda roon.. ( pointing to the small corner beside the stage) marie, sandali lang, may kakausapin lang ako.
Marie- oh sige.. (muddled) 
Ibarra and eli  walking slowly over the corner
Eli- sir marami po kaming nalaman tungkol sa mga plano ni leo damaso…
Ibarra- papatayin niya ako?
Eli- opo sir!
Ibarra- wag mo na nga muna akong tawaging sir, chris na lang. Saan? At paano mo nalamang plano nila akong patayin?
Eli- narinig ko pong balak niyang magpasabog sa ribbon cutting ng lupang tatayuan ng bagong gym na ipapagawa niyo…
Ibarra- sigurado k aba diyan?
Eli- sir, chris- sigurado po ako… hinding hindi po ako magsisinungaling sainyo, malaki ang utang na loob ko sayo. Basta po mag ingat kayo… tumabi lang po kayo sa paring magbibindesyon sa lupa.
Someone will call out ibarra, it is sen. Damaso
Ibarra will look at who is calling him and when he faced Eli, he wasn’t there.
Sen Damaso- Christopher hijo, nasaan si Marie bakit mo naman siya iniiwan ng walang kasama, alam mo namang gago ang mga tao dito. Baka bastusin ang unicahija ng kumpadre kong si simon.
Ibarra – ahhh,, nand—
Sen. Damaso- at bakit kung sino sino ang kinakausap mo dito?
Ibarra- babalik na po ako kay marie... ( walks away)
Sen. Damaso- wala talagang modo… ( smokes his tobacco)
Scene 12
External
Night
Forrest like scene
Cecillia- basya… anak? Cris? Anak ko? Nasan na kayo? (cry) ( to a passerby) Anak? Ikaw ba yan anak? (hugs the passerby)
Passerby- ano ba naman, punyemas! (pushes cecillia away)
Cecilia- basya ko… cris, mga anak ko? ( continuously cries)
Passerbys will give throw her coins
Scene 13
Internal
House
Sally- eli, kailan ka ba titigil sa mga ginagawa mo? Hindi tayo mabubuhay na maayos kung patuloy kang lalaban sa mga kurakot na pulitiko, wala tayong mapapala diyan? Lumagay na lang tayo sa tahimik…
Eli- sally, intindihin mo ko… namatay ang tatay ko dahil kay damaso at sa mga kasama niyang demonyo!
Sally- tapos na yun, di mo na maibabalik ang buhay ng tatay mo sa pag ganti mo sakanya… at isa pa, markado ka na… hindi na ligtas ang manatili pa tayo dito, lumayo na lang tayo dito eli…
Eli – hindi ako titigil sally, ang laban ng tatay kong naging isang desaparesido ay laban ko din… alam kong si damaso ang may pakana ng mga yun… alam kong siya ang responsible sa pagkawala ng tatay ko.
Sally- (crying) mahal mo ba ko?
Eli- sally, oo naman.. ( hugs sally and consoles here)
Sally – bakit di mo mapagbigyan ang mga kahilingan ko sayo? Lumagay na lang tayo sa tahimik, wag mo na ipaglaban ang di naman na dapa ipaglaban, tapos na… di mo kaya ang impluwensya ni damaso.
Eli- sally… mahal ko. Di kita mapagbibigyan. Mas makabubuti kung ikaw na lang muna ang lumagay sa tahimik… mahal kita alam mo yan. Ayokong dahil sakin mapahamak ka… at kung sakaling magkaanak man tayo, hindi ko kakayaning mamuhay sila sa anino ng tatay nilang isang binansagang rebelde dahil sa paglaban sa katiwalian…  hayaan mo, pag natapos ko na ang pinaglalaban ko, susunod ako sayo… bubuo tayo ng pamilya.. pangako ko yan..
Sally- (hugs him tightly)
Fade out
Scene 14
External
Ribbon cutting and groundbreaking ceremony
MC- lets welcome the one who sponsored this project, Christopher Ibarra, son of our former congressman, the deceased Mr. Rafael Ibarra.
Applause
(the camera view is from that of a sniper gun)
Ibarra- (walking)Thank you, uhmm itong pinapatayo nating building, para ito sa mga estudyante ng state university ng san diego. (fade out sound) (video still playing) ( ibarra will walk over the priest and other people in the stage)
(sniper shot)
a town counselor beside ibarra was shot in the head
Counselor, falls down
Townsmen in clamor
Shouting
Scene 15
Internal
Dinner
Cong. Santiago- nakakagulat ang nangyari nung nakaraang araw, ikinamatay yun ng isang counselor ng san diego. Siya kaya talaga ang balak patayin o iba?
Ibarra- pwedeng ako, pwedeng ang pari sa tabi ko, o ang mayor…
Sen damaso-  baka may naagrabyado ka?
Ibarra- wala naman po akong natatandaan na naagrabyado ko…
Sen damaso- hindi mo rin masasabi… (stands up, walks back and forth the dining area) baka may atraso ang tatay mo at ikaw ang gustong gantihan… alam naman natin na hindi naman ganun kabango ang tatay mo, may mga ginagawa yun na lingid sa kaalaman ng taong bayan… walang pulitikong malinis… hindi ba? Nangamkam din yun nga pera kaya nga nakapag aral ka sa ibang bansa… at isa pa, bakit hindi umunlad ang distrito niya? Malamang yung pera ibinubulsa lang…
Ibarra will attack sen. Damaso
Punch him and damaso will fall down
Damaso will get his gun from his waist
Ibarra will be able to stop him, instead he will grab the gun and point it to sen damaso
Sen damaso- (still on the floor)sige, gawin mo! Manang mana ka sa tatay mong walang kwenta!
Ibarra will fire the gun but mis aims, and ending up shotting the wall.
Marie- Christopher itigil mo yan! (running towards ibarra)
Cong. Santiago will help damaso get up and will get the gun from ibarra
Cong Santiago- (to ibarra) Christopher ano bang nangyayari sayo?!  (To damaso) Pare pasensya ka na…
Damaso will walk out angrily
Cong.  Santiago – marie, pumasok ka muna sa kwarto mo!
-          Isabel! Isabel! Samahan mo si maries a kwarto niya.
Marie- pero dad?!
Cong. Santiago- sumunod ka na lang! punyeta!
Marie will be accompanied by tiya Isabel
Ibarra and cong. Santiago will be left in the room and talk
In marie’s room
Tiya Isabel- marie, ayos ka lang ba? Wag kang umiyak, wala namang nangyaring masama sa ninong mo at kay ibarra, nagkapikunan lang, maaayos din yun agad… ( consoling marie)
Marie- (crying) tita… nagalit si daddy kay Christopher… kasalanan din naman ni ninong eh.. pero…
Tiya Isabel- hayaan mo na… maaayos din nila yan, matatanda na sila..
Cong. Santiago will enter the room
Cong Santiago- marie… anak, hiwalayan mo na si Christopher…
Marie- hah?(cries even more) dad!
Cong. Santiago – kung ayaw mo, ako ang magsasabi.
Marie – dad, bakit?!
Cong Santiago- (points his finger to Marie) wag ka na magtanong! Sa inasal ng mapapang asawa mo, sa tingin ko hindi siya nararapat sayo!
(turns away)
Scene 16
Internal
Marie’s room
Marie lying down on her bed
Dr. Timothy- (after examining marie with a stetoscope)simon, nothing to worry about, marie is just stressed out. Kailangan lang niya ng pahinga…
Cong. Santiago- sige timothy, maraming salamat…
Victoria- alam mo… marie, hija, kung nalulungkot ka dahil sa pagkawala ng walang modo mong nobyo, humanap ka ng iba… bukas hija babalik ako ha, ipapakilala ko sayo ang pinsan naming ni timothy na si Alfons, galling siya sa america, kakabalik lang dito, tiyak magugustuhan mo siya! Naku ecited na ko sa pagkikita niyo! Inaanak din siya ng kapatid ng ninong Leo mo… oh siya sige hija, magpagaling ka1 at pumapanget ka na! ciao!
Dr. timothy and victoria will go out of the room.
Tiya Isabel sits down beside marie
Isabel- kamusta na bang pakiramdam mo? ( rubbing marie’s forehead)
Marie- (starts crying) (hugs tiya Isabel)
Scene 17
External
Road side
Cecilia walks on the side, dirty looking
Twirling her hair
Sits down on the island
(flashback)
-Only Cecilia has a face-
Dark…
Cecillia’s mother- honey,   wake up…
Camera view, eyes opening
Cecilia will see a blur image of her mother
Cecilia- ma… (smiles)
Cecilia’s mother- breakfast is ready anak… bangon na ha… may pasok ka pa… tumawag ngapala si Courtney, dadaan daw siya dito at sasabay sayo dahil nawawala yung susi ng kotse niya…
Cecilia- opo, ma… sabay na lang kami…
Light flashes----- different setting
Dining table
Cecilia- ma, si papa ba kailan babalik? (looking at her plate, and eating)  Nagpabili kasi ako sakanya ng drapes para sa porch ng kwarto ko…
Cecilias mother – baka sa susunod na lingo… nag stop over daw sila sa singapore eh..
Cecilia – ah, ok po, ( stands up, kisses her mother) bye ma, pasok na ko…
Light flashes----- different setting
Sen damaso – (but without a face) (holding a gun and shots cecilia’s mother and father)
Cries
Cecillia- ma! Pa!
Sen. Damaso- ayan ang napapala ng mga walang utang na loob!
Back to reality
Cecilia still sitting down on the island, crying
Scene 20
No spill scene
Damaso was walking in the parkin lot with his body guards
Gunshots will be shot from nowhere and will injure several body guards
Fade out
Police sirens
Scene 21
Internal and external
Police walking towards ibarra’s house
Knocks on the door
From ibarra’s perspective (Opening of the door)
 Police- Mr. cristopher ibarra, may warrant of arrest po kami para sainyo. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to speak to an attorney, and to have an attorney present during any questioning. If you cannot afford a lawyer, one will be provided for you at government expense.
Ibarra, without saying anything will be arrested
Scene 22
Internal
School
Professor Miriam and Eli
Professor Miriam –Hindi ako makapaniwalang nakakulong si Christopher, kahapon lang tinawagan niya pa ko. Mahirap talagang kalabanin ang may posisyon…
Eli- sigurado akong pakana nanaman to ni damaso!
Professor Miriam- sino pa nga bang pwede Eli? Dalawin mo siya mamaya pagkatapos ng klase mo ha, ikamusta mo ko at makibalita ka na rin… naaawa at naiinis ako kay Christopher…
Bell rings
Eli- sige po ma’am, pasok na po ako..
Professor Miriam- sige… ngapala, mag ingat ka…
Scene 23
External
Basya asking alms on the streets
Cecilia will pass by
Basya – nay? Nay! ( run to the direction of her mother) ( hugs her from the back)
Cecilia – basya? Anak?
The two will cross the street, hold hands
Cecilia will accidentaly fumble the hands of basya
Will be hit by a motorcycle
No one will help them
Basya will carry her mother to the side while Cecilia has severe wounds
Scene 24
Internal
Prison
Afternoon
Eli pays visit to ibarra
Eli- sir, kamusta po?
Ibarra- sinabi nang wag na kong tawaging sir… nakakulong na nga ako oh! Hahaha
Eli- eh ano po bang kaso niyo? Bakit biglaan naman po?
Ibarra- pinagtangkaan ko daw patayin si sen. Damaso… sa may parking lot ng senado… kesyo, umupa daw ako ng hired killer para ipabaril siya…
Eli – ano daw po bang nangyari?
Ibarra- may bumaril daw kay sen. Damaso habang naglalakad papunta sa kotse niya, kasama niya yung mga body guard niya, dalawa namatay… kasi yun daw yung tinamaan..
Eli- bakit di po kayo magdahilan? Alibi… nasaan po ba kayo nung araw nay un?
Ibarra- nagdahilan na ko… pero ang sabi daw nung nahuling namamaril, inutusan ko daw siya, ni hindi ko pa nga nakikita yung lalaking yun… tapos siya ngayon, nasa witness protection program, natatakot daw baka ipapatay ko din siya… ewan ko. (playback of no spill scene  might be needed)
Eli- iba talaga ang trip ng damasong yan… tsk. ( shaking his head) di bale sir, ay chris pala… ( (whispering) tutulungan kita.
Later that night
Someone is waking up Ibarra ( another inmate who is a friend to eli)
Points over the ceiling
Prisoner-(silently) tumakas na po kayo, naghihintay si eli sa labas…
 Ibarra- (silently) paano yung mga pulis sa--- ?
Prisoner- kami na pong bahala…
Ibarra will hurriedly stand up climb up the ceiling
When he arrived outside, Eli was there with a motorcycle
Scene 25
External
Vacant trailer truck
Basya- nay…. Nay… (shaking her mother’s lifeless body)
Camera switching angle view
Fade out
Scene 26
External
Gun shots
Footsteps running
Camera shift from worms eye view to normal eye view

Police – punyeta! nandun sila sa likod ng truck, habulin nyo mga bano!

Footsteps
Continuous gunshots
Eli- sir, maghiwalay tayo, tumakas ka na! tumakas ka na!
Christopher – paano ka ?
Eli- akong bahala, di nila ko mahuhuli basta basta!
Christopher – sumunod ka sakin sa tejeros!
Eli- sige sige, bilisan mo na!sir, cellphone nyo po! (throws ibarra’s cellphone)
Ibarra catches the phone,runs and fades out of the scene
Continuous gunshots
Eli comes out of nowhere, return gunfires, and will be shot
Eli faints
Basya will come out of the scene
The police will ask her

Police 2 – bata, may nakita ka bang lalaking nakaitim na tumatakbo?
Basya- (hesitant) uh, ah… dun po tumakbo papunta dun! Sumakay pa nga po yata nung jeep!
Police 1- tinamaan na ng malas!  Tara!

The two police runs away, chasing eli
But Eli is lying down on a hidden part of the road with parked trucks and jeepneys
He is helped by Basya but he already lost a lot of blood

Eli- bata, nanay mo ba siya? (Pointing to the dead body of Cecilia)
Basya – opo..
Eli- ( gasping for air) tawagan mo yung number sa cellphone ko… yung pinaka una… kapag namatay ako dito… pakisabi sakanya, nakatakas na si Christopher at namatay na ko..
Basya- (crying) opo!
Eli- (thinking) sally, mahal ko… mukhang di na kita mapupuntahan diyan… (memories will play of him and sally’s last conversation). Di ko na rin yata mabibigyang hustisya si tatay…( loudly ) goodluck pilipinas!
--------------------
Basya will get the cellphone of eli on his hands and calls the first number on eli’s phonebook
Basya ( dials) (phone ringing) – hello?
Other person on the line answers
Professor mirriam – hello?
Basya – uhmm hello po, patay na po yung may ari ng cellphone na ito… pinapasabi po niya na nakatakas na daw po si Christopher…
Professor Miriam- (shocked but still composed) nasan ka?
Basya tells her their location
Voiceless video
Background music badly needed!!!
Scene 27
External, dark place
With only little light flashing from Ibarra’s cellphone
Calls marie
Phone conversation
Marie- hello? Christopher?
Ibarra- marie, mahal ko… pasensya ka na kung huling tawag ko na to, hindi ko alam ang mangyayari sakin, pero lagi mong tatandaan, mahal kita… bye.
Marie- hello? Christopher? Christopher?
Hangs up
Marie hurriedly go to his father’s office
Overheard damaso and Santiago talking
Listening through a small opening on the door
Cong. Santiago- leo, hindi pwede yang iniisip mo…
Damaso- bakit hindi? Anak ko si marie, mas dapat malaman na niya yun…
Santiago- sa dugo oo, pero kung legalidad ang paguusapan, ako ang tatay niya, ako ang nagpalaki sakanya…
Damaso – Simon, alam na alam mo ang mga kaya kong gawin… wag mo akong subukan.,
Santiago – leo, pati ba naman ako tataluhin mo pa?
Damaso – hanggat di ko nakukuha ang gusto ko… gagawin ko lahat, babanggain ko kahit sino. Tandaan mo yan simon… (damaso’s phone rings) ( picks up)
Damaso- hello?
Other person on the line- hello po sir, bad news, nakatakas po si Christopher…
Damaso ( stands up) ano?! Ang tatanga niyo naman! Puta! Ang dami dami niyo natakasan kayo?! Lintek talaga, mga walang kwenta!
Runs to the door
Saw marie sitting down beside the door, crying
Damaso- marie? What are you doing? Kanina ka pa ba jan?
Marie- hindi po… ( stands up and walks away)
Santiago, will look at what is happening
The two men will look at each other with disappointment
Damaso will leave to check on what’s happening at the prison house
Santiago will follow marie at her room
Scene 28
Internal
Maries room
( a follow through)
Marie- tita, narinig ko si daddy at si ninong kanina… ( sobs) si ninong daw ang totoo kong tatay?
Tiya Isabel- marie… hmmm….
Marie- may alam po ba kayo tita? Please sabihin nyop po yung totoo. Tita please…
Tiya Isabel – ganito…
(voice over--- bata pa noon ang mama mo… maganda… - voice fades out--- video continues = a flashback)
Video content…
Pia hanging out with college friends in an old setting.
Damaso, (younger version) was a law professor in the school
Damaso looks at pia with a lust
He talks to her
They walked together towards a classroom
Pia sits down inside the classroom
Damaso followed and locks the door
Pia got confused and worried about what’s happening
Damaso Talks to her ( kinda threatening)
------ rape scene---- optional
Scene 29
Internal
Marie talking to damaso and Santiago
Marie- sinabi na sakin ni tita isabel lahat… hndi niyo na kailangan magpaliwanag.
Damaso- anak?
Marie- wag mo kong matawag tawag na anak, hayup ka! Wala kang gulugod!
Damaso – (bows down)
Marie- wag ka ngang magkunwaring nalulungkot! Hindi nalulungkot ang mga demonyo!
Santiago- anak, tama na… (holds marie on her arms)
Marie- anak? (releases herself from santiago’s hands)  May lakas ka talaga ng loob tawagin akong anak? Mga manloloko kayo!
Damaso- tama siya Santiago… tama si marie…
Marie- aba’t buti naman at alam mong tama ako!
Damaso- patawarin mo kami marie…
Marie will walk out
__________________________________________________________________

Credits

Post credit
Tiya Isabel enters marie’s room will see a note saying her goodbyes
Damaso is dead, he committed suicide
Santiago and dr. timothy are at the casino playing poker alongside victoria
Professor Miriam adopted basya and they are in the memorial park looking down on the grave of Cecilia and Eli
A man will be flashed on the screen, fixing his neck tie… no face will be shown only the mouth… smile…
Fade out
Soundtrack

--------------------------------------------end------------------------------------------